Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatlong taong paghihintay sa Tayo ni Abrogena, sulit

SULIT ang tatlong taon bago natapos ni Direk Nestor Abrogena, Jr. ang pelikula niyang Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon na pinagbibidahan nina Nicco Manalo, Vera, Anna Luna, at Alex Medina na sinuportahan naman nina Pewee O’Hara, Alvin Anson, Madeleine Nicolas, Emman Nimedez, at Bodjie Pascua.

Base sa napanood namin sa ginanap na premiere night sa UP Cine Adarna nitong Lunes na dinaluhan ng mga estudyante ng UP, gustong-gusto nila ang pagkakagawa ni direk Nestor.

Ang karakter ni Nicco ay isang baguhang filmmaker at writer naman si Vera na dating magkasintahan at muling nagkita pagkalipas ng limang taon.

Pareho na silang masaya sa kani-kanilang partners, si Sam ay na-in love sa kanyang maalagang co-teacher na si Anna (Anna), at si Isa naman ay committed na kay Frank (Alex), ang childhood friend na willing i-give up ang lahat para sa kanya.

Nang muling magkita sina Nicco at Vera ay gusto sana nilang magkalapit muli pero hindi pala ganoon kadali dahil may mga sakit pa silang nararamdaman simula nang magkahiwalay at mabunyag ang dahilan, na later on ay makakaapekto sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Ang Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon ay isa sa indie film favorite ni direk Nestor bukod sa Ang Kwento Nating Dalawa na sina Nicco at Vera rin ang bida.

Ang Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon ay kasalukuyang palabas ngayon (simula Mayo 8) sa mga sinehan produced ng TBA Studios.

Ang kuwento ng pelikula ay bagay sa mga taong magkarelasyon at nagkahiwalay o nasa punto ng paghihiwalay o pagbabalikan.

Sabi ni Nicco, itong karakter niyang Sam ang pinakagusto niya kompara sa Mula Sa Buwan, Ang Huling El Bimbo, at Gusto Kita with All My Hypothalamus.

“We use mostly ourselves when we portray our characters. That’s why the movie is so authentic.

“We tried to do the movie earlier, but we didn’t do it because Nestor felt we weren’t ready. Hindi pa hinog. The four years between ‘Ang Kwento Nating Dalawa’ and ‘Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon’ really helped.

“Kita talaga sa screen kung paano kami binago ng panahon. Of all the characters that I played, dito talaga makikita si Nicco not just as an actor but also as a person. Kung ano ‘yung learnings namin sa four years na lumipas, makikita ‘yun sa pelikula. It really made ‘Tayo’ and its theme of finding yourself after getting lost authentic and real,” kuwento ni Nicco.

Pahayag naman ni Vera, “I have high hopes that the movie will touch many people, that it will resonate with Filipinos. Because what we are doing is just the regular life of ordinary people who are flawed. There’s no huge plot twists. It is just regular lives. I feel like Filipinos should watch because they can identify with the film. I want people, after watching the movie, to reflect on their lives, their actions and how they affect the people around them. Hopefully, we’ll change a lot of people for the better.”

Ang soundtrack ng pelikula ay mula sa December Avenue na Sandali na madalas naririnig ngayon sa radyo kaya malakas ang recall.  Nag trending kaagad ang kanta sa loob ng 24 oras at umabot ng 5 million views nang i-release sa YouTube.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …