Saturday , November 23 2024
SUPORTADO nina senatorial candidate Chel Diokno, Rep. Winston Castelo at ng kanyang maybahay na si Councilor Precious Hipolito-Castelo ang muling pag-arangkada ng Angkas, ang nag-iisang app-based motorcycle ride hailing service sa bansa.

Senatoriables sumuporta sa Angkas

BUMUHOS ang suporta ng mga kandidato sa pagka-senador sa iba’t ibang partido politikal  para sa muling pag-arangkada ng Angkas, ang nag-iisang app-based motorcycle ride hailing service sa bansa, kasabay ng pagsusulong sa karapatan ng mga motor­cycle riders.

Dumalo sina senato­riables Grace Poe, Bam Aquino, Chel Diokno, Bato dela Rosa, at JV Ejercito sa Angkas Safety Fiesta noong Sabado bilang pagsuporta sa pagsisikap na mapala­ganap ang tamang safety training sa lahat ng motor­cycle riders sa Filipinas.

Nakiisa rin sa sena­toriables sa pagsuporta sa Angkas sina Rep. Winston Castelo, chair ng House Committee on Metro Manila Development at ang kanyang maybahay na si Councilor Precious Hipolito-Castelo.

Sa nasabing okasyon, nagkaisa ang senatoriables at iba pang kandidato na panahon na upang ipatupad ng pamahalaan ang legali­sasyon at regularisasyon ng motorcycle taxis.

Nanawagan din sila sa panunumbalik ng operasyon ng Angkas, kasabay sa pagbibigay-diin na ang kawalang-aksiyon ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ay paglabag sa karapatan ng motorcycle riders.

Binigyang diin ng mga kandidato na ang Angkas ay nagbibigay  ng disenteng hanapbuhay sa daan-libong motorcycle owners sa bansa, bukod sa nakatu­tulong nang malaki upang maibsan ang araw-araw na kalbaryo ng mga pasahero.

Pinuri ni Senator Grace Poe ang safety training ng Angkas at sinabing ang nasabing ride-hailing ser­vice ay malaking tulong sa paglutas sa mass transport problems sa bansa.

“Ang totoo, ako ay saludo sa Angkas dahil binibigyan kayo ng proper training and guidance. Kailangan natin talaga ang iba’t ibang pagkakataon at modes of transportation. May bus, may jeep, at may MRT, pero kulang pa,” ani Poe.

“Pero ang aking tututu­kan ay dapat ligtas ang ating mga pasahero. Kaya ako ay nagpapasalamat sa Angkas dahil nagbibigay sila ng tamang training sa inyong lahat,” dagdag ni Poe.

Sa kanyang panig, sinabi ni senatoriable Diokno na isusulong niya ang karapa­tan ng motorcycle riders.

“Naiintidihan ko talaga ‘yung pangangailangan na magkaroon tayo ng isang batas na kinikilala ang kara­patan ng motorcycle riders upang magkaroon ng hanapbuhay na legal at hanapbuhay na kinikilala ng batas,” ani Diokno.

Ikinuwento ni senatorial candidate Bato dela Rosa na siya ay anak ng isang tricycle driver.

“Ako’y anak ng tricycle driver. Motorsiklo ang gamit ng tatay ko. Nagmomotor din ako, kaya kung ako ay manalo, susuportahan ko ang Angkas bill na pending sa Senado,” deklara ni Dela Rosa.

Kinatigan din ni Senator Bam Aquino ang panganga­ilangan ng motorcycle riders na magkaroon ng disenteng hanapbuay gamit ang kani-kanilang motorsiklo. “Lahat tayo na gustong maghanap­buhay, gustong magnego­syo ay hindi dapat pinipi­gilan,” ani Sen. Aquino.

“‘Yung Angkas po, maganda ‘yung kanilang framework, maganda ‘yung kanilang app, marami pong natutulungan. Gaya po ninyo na puwede pong maghanapbuhay gamit ang inyong mga motor, at the same time nagbibigay ng mga leksiyon at lecture tungkol sa safety at security ninyo,” ani SenBam.

Para kay administration candidate Sen. JV Ejercito, na isa ring rider, buong-puso, aniya, ang kanyang suporta sa mga kagulong.

Sinabi ni Sen. Ejercito na may nakabinbin siyang panukalang batas  sa Kongre­so na naglalayong tugunan ang isyu sa regula­syon ng motorcycle taxis.

Ganito rin ang posisyon ni congressman Castelo na nagsabing isusulong din niya ang regularisasyon at legalisasyon ng motorcycle taxis.

“Bigyan natin ng hanap­buhay ang taong bayan. Kaya ako po ay nag-file ng bill sa Kongreso at masaya kong ibinabahagi na ito ay inaprobahan na,” ani Castelo.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *