Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Joy tagilid kay Bingbong

KUNG inaakala ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na tiyak na ang kanyang panalo, mukhang nagkakamali siya, at malamang na masilat ni Congressman Bingbong Crisologo ang mayoralty race sa QC ngayong May 13 elections.

Kailangang seryosong kumilos si Joy at hindi lamang ipaubaya sa kanyang mga lokal na lider at dikit boys ang pangangampanya. Ang paglubog mismo sa mga komunidad ay napakahalaga dahil dito nakasalig ang panalo ng isang kandidato.

Nakahihilo na rin ang napakaraming tarpaulin ni Joy na nakapalibot sa buong QC. Wala kang masulingan kundi pagmumukha na lang ni Joy sa bawat pader, puno at poste ng koryente sa lungsod.

Kulang na lang pati mga mukha mismo ng mga taga-QC ay dikitan na ng tarpaulin ni Joy.

Pati sa mga survey, sa dami ng mga isina­gawa sa QC, nakapagtatakang laging pangalawa lang si Bingbong at si Joy ang nasa unang pu­wes­to. Hindi kaya kampo rin ni Joy ang nag­komisyon ng survey?

Nakasasawa na ang ganitong taktika ng kampo ni Joy. Inilulunod lamang sa propaganda ang mga taga-QC kahit wala pa namang desisyon ang taongbayan sa QC.

Isang linggo pa bago ang nakatakdang eleksiyon at habang hindi pa tapos ang halalan walang sino man ang makapagsasabing siya na ang mayor sa lungsod.

Marami na tayong nakakausap na mga taga-QC at lagi nilang sinasabi higit na may puso si Bingbong kung ihahambing kay Joy. Kahit hindi eleksiyon, lalo na sa mga lamay ng patay, piyesta at mga pagtitipon sa mga komunidad, naroroon at hindi nawawala si Bingbong.

Si Rolan Cruz ng Bago Bantay, isang Grab driver ang nakausap natin, at mismong nagpa­patunay na malaking tulong sa kanilang komu­nidad si Bingbong.  Pati gamot ay libre at kung talagang kailangan mo raw ang tulong ay kaagad na aaksiyonan ng kanilang kongresista.

Sinasabi ng ilang taga-Bago Bantay, pati sa lugar ng Sinagtala na halos hindi nila nakita sa kanilang lugar si Joy at nagtataka sila kung bakit ngayong panahon ng eleksiyon ay lumulutang na ang kanilang vice mayor.  Gano’n?!

Kaya nga, hindi tamang sabihin na sigurado na ang panalo ni Joy.  Patuloy na kumikilos ang kanyang katunggali at malamang kung magiging kampante si Joy ay masisilat siya ni Bingbong.

At kung sino man ang nagpakana ng gina­wang paghahain ng disqualification case sa Comelec laban kay Bingbong ay isang uri ito ng malaking katangahan.  Lalo lamang umani ng suporta si Bingbong dahil halatang panggigipit lamang ito ng kanyang mga kalaban sa politika.

Payo natin kay Joy, tunay na ‘lumubog’ sa mga komunidad at tapatan ang ginagawa ni Bingbong na sinusuyod ang mga botante ng QC. Kung hindi ito gagawin ni Joy, baka magising siya isang araw, si Bingbong na ang mayor ng QC.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *