Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Bukol ni premyadong aktor, nagtago nang maka-lovescene si sexy star

NAGKATAWANAN ang lahat ng mga nakarinig sa kuwento ng kilalang sexy star na wala siyang naramdaman sa kaparehang premyadong aktor din.

Sa isang movie project ay may love scene ang kilalang sexy star at premyadong aktor at panay ang tukso sa kanya ng mga kaibigang pinagkukuwentuhan, pero napangiwi ang una at sabay sabing, “wala nga akong naramdaman.  Walang bukol.”

Sabay-sabay nagulat ang mga kakuwentuhan ng kilalang sexy star dahil nakilala ang kapareha niya bilang sexy actor noon hanggang sa nag-iba na ito ng linya na hindi naman nagkamali dahil marami na siyang tropeong naiuwi.

Hindi ko nga alam, wala talaga,” diin ulit ng kilalang sexy actress.

May nagsabi namang nabalita na rin dati na hindi nga raw kanais-nais si premyadong aktor dahil mabibitin ang mga babae sa kanya, mabait lang daw talaga siya at mabango.

Yun ang panlaban niya, mabango talaga siya,” say naman ng premyadong character actress.

In fairness sa premyadong aktor, wala naman kaming nabalitaang papalit-palit siya ng girlfriend noong kabataan niya at ngayon, bilib nga kami sa disiplina niya sa sarili.

Going back to sexy star ay nagpapasalamat siya dahil may mga project siya kahit na hindi kalakihan ang bayad, ang mahalaga ay nagagawa pa rin niya ang passion niya.

Si sexy star ay naging long time girlfriend ng isang action star noong kabataan nila. (Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …