IDINIIN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na sa pinakahuling survey na nagpapakita na napakataas ng porsiyento ng mga Filipino –– halos 80% –– ay masaya sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte; kaya naniniwala siya na ito ang magdadala ng panalo sa mga kandidatong senador ng Partido Demokratiko Pilipilino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Hugpong ng Pagbabago.
“When the President ran in 2016, dalawa po ang ipinangako niya: tapang at malasakit. And in the first three years of his administration, he has displayed both. Nakita niya na sobrang grabe na ang environmental damage sa Boracay, so ipinasara niya hanggang maayos ang Boracay at masiguro na sumusunod sa batas ang mga resort sa isla na iyan,” ayon sa senador mula sa Mindanao.
Inilinaw rin ni Pimentel na bagamat may mga kritiko ang Pangulo ay nagtagumpay sa pagsugpo sa kriminalidad kaya makikita ngayon ang kapayapaan at kaayusan.
“He is tough on crime, tough on drugs, and tough on those who would corrupt our youth and threaten our families. Kaya naman po sabi din ng mga surveys our people agree with the war on drugs, they feel safer when they walk our streets, and they are satisfied with how the government has handled peace and order,” diin ni Pimentel na nag-topnotcher sa Bar examinations noong 1990.
“Ipinakita rin ni Presidente ang malasakit niya para sa ating mga kababayan. Kung titingnan mo ang mga batas na ipinasa ng administrasyon sa nakalipas na taon, these are laws that have a huge impact on the lives of our people: free college tuition, free irrigation, free internet, at isang national feeding program para sa mga batang mag-aaral. Bukod dito, kasama rin ang pagbaba ng income tax at pagtanggal ng VAT sa mga gamot para sa diabetes at hypertension. These laws show that the President cares, and our people appreciate and acknowledge that.”
Sa resulta ng mga survey na nakapasok sa Magic 12 ang mga kandidato ni Duterte, naniniwala si Pimentel na hindi na mababago ang trending na ito.
“We must all keep in mind that surveys are only a snapshot of public opinion at a given time. Pabago-bago mga ranking namin, pero tama ka na karamihan ng nakapasok sa top 12 ay mga kaalyado ni Pangulo,” dagdag ni Pimentel. “But I think it goes beyond popularity. I believe our countrymen see the benefits of a Senate that is willing to work with the Executive to pursue a common vision, a common goal.”
“With three years to go, there is still unfinished business that needs to be done, priority bills of the President that we need to pass. Kailangan natin ang isang batas para matapos na ang endo; a review of procurement laws, the creation of the Department of Overseas Filipino Workers and the creation of Department of Disaster Risk Reduction and Management,” dagdag ni Pimentel.
“These are important measures that have a greater chance of becoming laws if we have a Senate composed of individuals who share the President’s desire to improve the lives of our people.”