Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Filipinas humahakot ng ginto sa Arafura Games

NILANGOY ni Ivo Nikolai Enot ang pangatlong gold medal sa pagpa­patuloy ng 2019 Arafura Games na ginaganap sa Parap Swim­ming Pool sa Dar­win, Australia.

Nanaig si 13-year-old at tubong Davao City, Enot sa men’s 13 to 14 year old 50-meter backstroke, umoras ito ng 29.80 seconds.

Sinilo ni Enot ang unang ginto sa 100-meter at 200-meter backstroke kung saan ang kampanya ng mga atleta ay suporta­do ng Philippine Sports Commission sa pamumu­no ni chairman William “Butch” Ramirez at Standard Insurance.

Naghari si Samuel Alcos, 21 sa men’s 17 ng 100-meter breaststroke at nagtala ng oras na isang minuto at 5.63 segundo, nahablot din niya ang gold medal sa 50-meter breast­stroke.

Pagkahablot ng dala­wang ginto, nangunguna ang Philippine swimming team sa may pinaka­mara­ming nasungkit na ginto, hawak nila ang 17 golds at nagdagdag ng tig 27 at 17 silver at 17 bronze medals ayon sa pagka­kasunod.

Nakalikom ang Filipinas ng ka­buuang 30-47-28 gold-silver-bronze.

Samantala, inumpisahan ng Philippine team ang paghataw sa preliminary round sa badminton, pinagulong nila ang Guangzhou, 8-0.

Kinalos ni Karylle Kay Molina si Lan Xu, 21-6, 21-9, sa women’s singles, nakipagkampihan din siya kay Estarco Bacalso sa mixed doubles para pag­pa­gin sina Yin Du at Chongwei Lu, 21-3, 21-3. (A. PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …

ASEAN PARA Games

Pilipinas Umakyat sa Pinakamataas na Puwesto sa ASEAN Para Games Matapos Umani ng 35 Ginto

h1 NAKHON RATCHASIMA – Magkakasunod na itinala nina Para athletes Evenizer Celebrado, Cyril Cloyd Ongcoy …

Alex Eala

Eala umaasang magsilbing bentahe ang hometown support sa Philippine Women’s Open

MANILA — Bagama’t inaasahan ang mainit na suporta ng hometown crowd, sinabi ng Pinay tennis …

2026 World Slasher Cup

2026 World Slasher Cup, inilunsad ang unang edisyon sa Smart Araneta Coliseum

ANG pinakahihintay na unang edisyon ng World Slasher Cup (WSC) ay gaganapin sa Smart Araneta …