Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

70-anyos retired Australian army arestado (Sa reklamong panggagahasa at pambubugaw)

INARESTO ng pulisya ang isang Australiano matapos ireklamo ng pananamantala at pambubugaw sa ilang kababaihan sa lungsod ng San Jose del Monte (SJDM), Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte City police, ang dayuhang sus­pek ay kinilalang si Ronald Ian Cole alyas Ric o Daddy Ric, 70-anyos, at tubong Victoria, Australia.

Napag-alamang si alyas Daddy Ric ay isang retired Australian Army at piniling manirahan sa Filipinas kung saan ay nakatira siya ngayon sa Blk. 31, Lot 2 Area C, San Martin 2, SJDM City.

Sa naturang lugar ay sinasabi na may mga kaba­baihang minolestiya si alyas Daddy Ric bukod sa ibinubu­gaw niya para pagka­pera­han.

Matapos magpositibo ang reklamo ay kumilos ang mga tauhan ng SJDM City police at inaresto ang dayu­han sa tahanan nito sa Brgy. San Martin.

Kasalukuyang naka­detine si alyas Daddy Ric sa SJDM CPS Custodial Facility at ngayon ay nahaharap sa mga kasong rape at qualified rrafficking.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …