LANTARANG sinagot ni Kris Aquino sa kanyang Facebook account ang pagtatanong at pag-uusisa ng isang netizen kaugnay ng kanyang relasyon sa isang politiko.
Patanong na post ng netizen sa FB ni Kris, “do you still love Mayor? Bahala ka na kung sinong mayor ang unang pumasok sa isip mo.”
Tugon naman ni Kris, na binanggit niya pa ang pangalan ng mayor, “Isang mayor lang naman ang nag-iwan ng tatak sa puso ko. I never give safe answers. So here goes- mayor herbert falls in the category of LOVING THE IDEA OF ALL THAT COULD HAVE BEEN. Honestly kung nagkatuluyan, sigurado ako HIWALAY na by now. He is too set in his ways, as i am in mine… and between the 2 of us, sa sobrang excess baggage- the airplane could never have taken off.”
Matatandaang muntik nang ikinasal sina Kris at Mayor Herbert Bautista noon.
Ang KrisTek (Kris at Bistek – palayaw ni Mayor Herbert) fans at shippers naman ay kilig na kilig sa mga pahayag ni Kris.
May nag-post pa sa social media ng quotes nina Kris at Mayor Herbert. Ayon sa post, “‘Isang mayor lang naman ang nag-iwan ng tatak sa puso ko.’ – kris
“‘Siya (kris) ang nagbigay ng kulay sa buhay ko.’ – HB
“EDI KAYO NAAAAA ENG HAROOOOT HAHAHAHAHAHHHHHAHAHAH LOVEYOUUUUUBOTH”
Marami talagang fans ni Kris ang boto pa rin kay Mayor Herbert at patuloy na wini-wish na sana pagdating ng panahon ay ang dalawa pa rin ang magkatuluyan.
Kahit pa nga si Kris na ang nagsabi mismo na, “Honestly kung nagkatuluyan, sigurado ako HIWALAY na by now,” mayroon pa ring mga nananalig at naniniwala na maglalayag pa rin ang ship at lilipad pa rin ang airplane kapag ligtas at maaliwalas na ang panahon.
PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga