Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Fernando
Daniel Fernando

Daniel, nanghinayang sa The General’s Daughter

SA panayam namin kay Vice Governor Daniel Fernando, sinabi niya na sa kanya unang inialok ang role ni Tirso Cruz III bilang si General Santiago sa seryeng The General’s Daughter, pero tinanggihan niya ito.

Sabi ni Daniel. “Dapat nga ‘yung sa ‘The General’s Daughter,’ akin ‘yung (role) kay Tirso, eh. Kaming dalawa dapat ni Albert (Martinez) ang maglalaban doon.

“Pagkatapos na pagkatapos ng ‘kaw Lang Ang Iibigin’ (seryeng pinagbidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson, na gumanqp si Daniel bilang si Rigor) in-offer agad nila sa akin ‘yun. Hindi ko tinanggap. May election ban. Hindi ko kakayanin,” paliwanag ni Daniel.

Aminado naman ang vice governor na nanghihinayang din siya na hindi napunta sa kanya ang role ni Tirso.

Nanghihinayang din ako, kasi ang sarap paglaruan niyong role,eh. Kaso wala tayong magagawa.”

Hangga’t maaari, gusto ni Daniel na gumawa ng serye every year.

“’Yun nga ang hihilingin ko sa mga taga-Bulacan. If ever manalo ako isang teleserye sa loob ng isang taon. Pero hindi role na maliliit. Hindi na ako tumatanggap ng role na maliliit. Gusto ko  ‘yung role na talagang mahaba at markado. Katulad niyong role ko sa ‘Ikaw Lang Ang Iibigin.’ Gusto ko ‘yung mga ganoon.”

Samantala, natutuwa si Daniel na mas mataas ang rating na nakukuha niya, kompara sa katunggali niya, sa Vice Gubernatorial race.

Okey naman  ‘yung mga lehitimong survey,70-30. Lamang ako.

“Hopefully,magtuloy-tuloy. Hindi naman kami nagpapabaya. Hindi naman ako nagpapabaya. Wala na nga akong tulog. Simula pa noong December, dalawang oras lang ang tulog ko. So mas grabe pa itong campaign kaysa taping. At least, ‘pag wala kang taping, nakakatulog ka ng kompletong oras. At kinabukasan, on that day, makakakain ka pa, makakapag-gym ka. Hindi katulad ng campaign, iba talaga. Kailangan araw-araw ka talagang mangampanya na umaabot talaga hanggang madaling araw,” sambit pa ni Fernando.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …