PATONG-PATONG na kasong korupsiyon ang nakasampa laban kay Mayor Arturo Valdriz ng San Juan, La Union.
Kinasuhan noong 26 Hunyo 2018 sina Valdriz at Municipal Treasurer Genoveva Vergara ng Criminal case sa Ombudsman Docket No. OMB-L-C-18-0360 at Administrative case Docket No. OMB-L-A-18-0400 sa paglabag sa Seksiyon 3 (c) ng R.A. 3019 at paglabag sa Article 220 ng Revised Penal Code sa Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to Best Interest of the Service.
Nauna rito noong 5 Disyembre 2017 sa Ombudsman ng Criminal case Docket No. OMB-L-C-17-0713, kinasuhan sina Arturo Valdriz at Genoveva Vergara ng mga kasong paglabag sa R.A. 3019 Section 3 (e) o Malversation of Public Funds, Gross Misconduct, Grave Abuse of Authority, Serious Dishonesty at Conduct Grossly Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Nitong 3 Enero 2019, kinasuhan muli sina Valdriz, Vergara at anim pang iba sa Ombudsman ng Administrative case Docket No. OMB-L-A-18-1430 para sa mga kasong Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service at Grave Misconduct.
Nasundan pa ito noong 14 Enero 2019 nang kasuhan muli sa Ombudsman ng Administrative case Docket No. OMB-L-A-18-0404 ng kasong Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service at Grave Misconduct sina Valdriz, Vergara at iba pang miyembro ng Bids and Awards Committee.
Lahat ng mga kasong isinampa kina Valdriz, Vergara, at iba pang miyembro ng Bids and Awards Committee ay base sa Commission on Audit (COA) report and findings noong 2016 at 2017.
Panawagan ng mga miyembro ng Concerned Citizens of San Juan, La Union ibasura ang kandidatura ni Valdriz dahil sa pagkakasangkot sa mga kaso ng korupsiyon.
“Wala na kaming tiwala sa kasalukuyang Mayor,” ayon sa mga residente ng San Juan.