Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Si Imee at ang mga manggagawa

SA darating na Miyerkoles, Labor Day, isang malawak na kilos-protesta laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang ilulunsad dahil sa kawalang aksiyon ng administrasyon nito sa patuloy na pagsasamantalang nararanasan ng mga manggagawa.

Inaasahang sa mga lansangan sa Kamay­nilan pati sa mga lalawigan ay muling magma­martsa ang mga manggagawa kabilang ang ibang miyembro ng ilang makabayang organisasyon para muling hilingin na tuluyan nang ibasura ang kontraktuwalisasyon at iba pang isyu na kontra-manggagawa.

Isa sa pinakamainit na isyu ng mga mang­gagawa sa kasalukuyan ang kanilang kahilingan na P500 monthly food subsidy. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, iginigiit ng mga obrero na ipagkaloob sa kanila ang nasabing pondo para sa food subsidy.

Pero hanggang ngayon, hindi pinapansin ng gobyerno ang kahilingan ng mga manggagawa, tuluyang nanahimik ang Labor department, at sa halip ipinagmamalaking naibigay na raw ang dagdag-suweldo para sa mga manggagawang wage earner.

Si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na mismo ang nanawagan sa pamahalaan, na ibigay na ang P500 monthly food subsidy para sa mga manggagawa pero hindi ito pinakikinggan ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sabi ni Imee, maraming pagkukuhaan ang gobyerno ng pondo para sa nasabing subsidy, at pati siya ay nagtataka kung bakit wala man lamang kibo itong si Bello pagdating sa usapin ng monthly subsidy ng mga manggagawa.

Isa pa sa ibinulgar ni Imee ang patuloy na nararanasang pagsasamantala sa mga manga­gawa sa mga pagawaan. Sinabi niya na hang­gang ngayon, ilang pabrika sa NCR ang hindi ipinatutupad ang batas sa minimum wage.

Sabi pa ni Imee, “sa halip na P537 ang tanggapin ng mga manggagawa, kung minsan P450 lang kada araw ang ibinibigay sa kanila ng mga kapitalista.”

Inisa-isa rin ni Imee ang labor violations ng mga negosyante tulad ng kawalan ng maternity leave, hindi pagre-remit sa SSS, walang overtime pay, hindi pagsunod sa itinakdang walong oras na pagtatrabaho, kawalang regularisasyon at iba pang paglabag sa batas paggawa.

Kung tutuusin, hindi lang sa mga pagawaan nangyayari ang mga paglabag na ito kundi pati na rin sa malalaking mall na hanggang sa ngayon ay kakarampot lang ang suweldong tinatang­gap. Malaganap pa rin ang kawalang regulari­sasyon at kalimitan ay sa agency lamang kumu­kuha ng mga empleyado ang malalaking mall owners.

Kaya nga, sa darating na Araw ng paggawa, asahan natin muling aalingawngaw ang protesta laban sa contractualization na ipinangako ni Digong na kanyang ibabasura na hindi naman nangyari.

Asahan din nating ihahayag ng mga militanteng manggagawa kung sino ang kanilang susuportahang kandidato sa darating na halalan sa Mayo 13.

Abangan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *