Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ‘di pinalampas lumait sa paggamit ng free APP; K Brosas, ipinagtanggol si Kris

HINDI pinalampas ni Kris Aquino ang panlalait ng isang netizen sa paggamit niya ng free APP na InShot para mai-share sa kanyang Instagram ang Facebook video na nakunan ang reaksiyon niya sa biglaang paglindol noong April 22 habang ini-interview sa presscon na inorganisa niya bilang suporta sa pinsan at re-electionist Senator, Bam Aquino at asawa nitong si Timi Aquino.

Komento ng netizen sa IG post ni Kris, “YOU’RE THE KRIS AQUINO BUT YOU’RE USING THE ‘INSHOT’ APP. INSHOT?? THE FREE APP? I THOUGHT YOU ARE A LEGIT #POSH #SOSHAL QUEEN. WHY USE A CHEAP APP?????? EW!”

Sinagot ito ni Kris kasama ang paliwanag na kailangan niyang magtipid dahil sa napakalaking tax na binayaran niya.

Because kailangan maging PRACTICAL now. tinulungan ako ng staff sa house, this was what they had & na blue tooth to me. nag e-edit ang mga taga KCAP, so sariling sikap kami sa green meadows… kailangan kasi magtipid… ito na ang accurate ha ± 44,806,132.54 ang total taxes kong binayad sa BIR- withholding tax, VAT, compensation withholding tax, and annual income tax for 2018. Dagdag pa natin yung ± 3M for 1st quarter na naka standby because BIR issued a memorandum that the bank which used to handle my online payments will no longer accept online payments for 2019- inaayos ng accountants & lawyers which bank we’ll choose kasi kailangan yung both personal & corporate (kahit sole proprietorship ako- i still have employees, agents, and managers) online tax payments tatanggapin. Since you seem to really be wealthy- you have a bank you can suggest? The advice would be appreciated.”

Hindi rin nakatiis ang singer at komedyanang si K Brosas na hindi ipagtanggol si Kris sa paggamit ng free app kaya sa kanyang komento sa IG post ni Kris sinopla nito ang netizen sa panlalait.

Ani K, “ewww.. yan talaga issue mo?? Lahat naman tayo mag ‘free apps’ or below sea level lng I.q mo? Kung May bayad man… ohhhh ehhhh anooo naman? Kaloka! Maiksi buhay At Baka maiksi na rin ang mundo sa mga nangyayari ngayon.. yan Talaga priority mong pansinin?? I guess mas #posh #soshal ka samin lahat kc Di ka gumagamit NG ‘free app’ .. oh wait.. Instagram is free?? How ironic .. di lang to cheap pero free! Tsk tsk tsk”

PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …