Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
QC quezon city

Pag-usbong ng korupsiyon ikinabahala… Kabataan sa Kyusi nangamba sa mahahalal na maling kandidato

IKINABAHALA ng gru­po ng kabataan na posible umanong umusbong ang korupsiyon sa lungsod ng Quezon kung maihahalal ang maling kandidato sa pagka-alkalde na ang tanging  alam ay mag­wal­das ng pera ng bayan para lamang sa mga patay at walang matibay na programa para sa mamamayan ng lungsod.

Ito ang inihayag kahapon ng grupong Unified Youth for Social Change-Akting Kabataan Alyansa sa Pag-unlad (GUYS-AKAP) kasunod ng pahayag ni QC Rep. Bingbong Crisologo na pasisiglahin niya ang kabuhayan ng mga taga-QC.

Ayon sa grupo, maganda ang layunin ni Crisologo, ngunit duda silang maisasakatuparan ito ng kandidato dahil sa kanyang Distrito nakilala siya sa pagpapalibing ng mga patay.

Nakasagap din uma­no ng impormasyon ang grupo na may ilang may-ari ng punerarya ang umaatras sa programang libreng palibing ng mga kandidato sa lungsod dahil sa malaking komi­syon na hinihingi bagay na ikinalungkot ng GUYS-AKAP.

Naniniwala ang GUYS-AKAP, kung hindi napangasiwaan nang husto ng isang kandidato ang kanyang nasasa­kupan ay hindi siya nara­rapat na maihalal sa mas mataas na puwesto dahil wala siyang maibibigay na mahusay na serbisyo sa mamamayan.

Pinakiusapan din ng GUYS-AKAP ang mga botante sa lungsod na maging mapanuri sa mga lumalabas na balita laban sa ilang mga kandidato dahil laganap umano ang fake news.

Sa kasalukuyan anila ay biktima ng fake news si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na tumatakbo ngayon bilang alkalde ng lungsod.

Nanawagan din ang grupo sa mga botante ng lungsod na tumingin sa track record ng bawat kandidato at piliin ang nararapat.

Anila, mas makabu­buting tingnan ang track record at plataporma ng mga kandidato sa lunsod na tunay na naghahangad ng pagbabago at kagin­hawaan sa pamumuhay ng mga taga-QC.

Naniniwala rin ang grupo na malamang na malagay na naman sa malaking utang ang QC oras na ipagkatiwala sa maling kandidato ang pamunuan ng QC.

Napag-alaman, si Crisologo ay kandidato ng administration party PDP Laban sa pagka-mayor ng QC pero si Serbisyo sa Bayan mayoral candidate Joy Belmonte ang itinaas ang kamay ni Pangulong Duterte dahil sa malaking kompiyansa sa galing at talino ni Belmonte bilang isang lingkod bayan ng QC.

Bukod kina Belmonte at Crisologo, tumatakbo rin bilang alkalde ng lungsod si dating QC congressman Chuck Mathay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …