Sunday , May 11 2025

LRT 1 & 2, MRT-3, PNR bumiyahe na kahapon

PAWANG “fit for operations” kaya’t balik na sa normal ang opera­syon ng mass railway system sa bansa kabilang ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, Metro Rail Transit (MRT-3) at Philippines National Railways (PNR) kahapon ng umaga.

Inihayag ito ng Depart­­ment of Tran­sportation (DOTr), mata­pos masiguro na pawang “fit for operations” ang mga naturang linya ng tren.

“With structural and track inspections com­pleted for LRT-1 (@officialLRT1), LRT-2 (@OfficialLRTA), MRT-3 (@dotrmrt3), and PNR, all lines were found fit for operations,” ayon sa DOTr.

Nitong Lunes nang hapon dakong 5:11 pm, niyanig ng magnitude 6.1 lindol, ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Ipinag-utos ng DOTr na itigil muna ang ope­rasyon ng mga naturang linya ng tren upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Sinabi ni Tran­spor­tation Assistant Secretary for Communications God­dess Libiran, bilin ni Secretary Arthur Tugade ay busisiin muna kung mayroong napinsala at tiyaking ligtas ang buong linya bago muling patakbuhin ang mga tren.

“Ang instruction po ni Secretary Tugade kahapon right after the earthquake ay ipatigil muna ang operasyon ng ating mga linya following the NDRRMC protocol,” ani Libiran.

Agad ini-assess ng safety engineers ang mga linya at nang matiyak na walang pinsala o iba pang rason para ipatigil ang operasyon ng mga tren, ay ipinag-utos ang pagbabalik-biyahe nito.

Inilinaw rin ni Libiran na ang bitak na nakita sa LRT Recto Station ay existing damage o dati nang pinsala at walang kinalaman sa lindol.

Dakong 5:30 am nang pahintulutan ng DOTr na muling bumiyahe ang mga tren ng mass railway systems matapos ang isinagawang structural at track inspections.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *