Saturday , April 12 2025

Kandidatong ‘di corrupt, pamantayan sa halalan — Koko Pimentel

NANINIWALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa resulta ng isang survey na 25 porsiyento ng mga tinanong ang may gusto sa isang kandidato na hindi corrupt at ito ang pina­kaimportanteng katangian ng isang halal na opisyal.

“Ang mga senti­myen­tong iyan ay produkto ng mahaba at masamang experience natin sa korupsiyon sa gobyerno. Most of our people have the sense that they could have better services and that our country would be much more progressive if our public officials were honest,” ani Pimentel.

“Kaya ‘yan talaga ang ini-emphasize ng tatay ko noong mayor pa siya at naging senador siya, na kailangan pangalagaan ang pangalan namin at gawin namin ang makakaya namin para i-restore ang faith ng kababayan natin sa gobyerno.”

Idiniin ni Pimentel na walang bahid ng korupsiyon ang kanyang panunung­kulan sa gobyerno at iyon ang tanging ipinagmamalaki niya.

“This is why in all my years in public service one of the things I am most proud of is that not a single case has been filed against me for graft,” dagdag ni Pimentel na topnotcher sa Bar examinations noong 1990. “And I really hope that the survey is accurate and that our people truly want honest officials in office, kasi kailangan talaga natin ‘yan kung gusto natin umasenso.”

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *