Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bimby, kumompleto kay Kris — he is our STRENGTH and our HAPPY

SA 11 years na pagdiriwang ng kaarawan ni Bimby Aquino Yap, hindi siya humihiling ng birthday gift at ngayong 12 years old na siya, ayon sa mama niyang si Kris Aquino, humbling ito ng isang Sony Bravia 4K.

Mahilig maglaro sa PS4 si Bimby kapag nasa bahay sila kaya hiniling nito ang isang Sony Bravia 4K na babagay sa kanyang paglalaro.

Habang nasa Japan sila ay nagbilin na si Kris sa kanyang chief of staff na si Alvin Gagui tungkol sa regalong gusto ng bunso bukod pa sa pa-balloons bilang sorpresa na rin pagdating nila noong Sabado ng madaling araw.

Ipinost ni Kris ang video ng pagdating nila sa kuwarto ng anak na tumambad ang napakaraming lobo na kulay purple at black na paboritong kulay ni Bimb at ang hiniling na Sony Bravia 4K ay may nakasulat na ‘Happy Birthday Bimby.’

Pinasalamatan naman ni Kris ang staff niyang si Alvin dahil sa super effort nitong mapasaya ang anak na nagdiwang ng ika-12 taon.

THANK YOU to Alvin’s (Gagui) party supplier because they worked to make this happen until almost 3 AM on Good Friday.

“Alvin also found the specific Sony Bravia 4K (sorry I’m not a gamer) that Bimb said was the match for his PS4. This was his birthday gift request, new grades niya highest was 99, lowest was 92, with everything we went through HE KEEPS AMAZING ME.

‘Bonus life celebration’ ang tawag ni Kris sa tuwing sasapit ang kaarawan ng anak, Abril 19.

Nag-agaw buhay ako after giving birth to Bimb, had BP that was 200/120, had a pulmonary embolism but reacted so badly to heparin, needed 9 bags of blood to be transfused, then a vascular surgeon operated on me to stop the internal bleeding.

“Truth is Bimb who was 5 weeks premature was okay after 1 week, we stayed 11 days in the hospital because I wasn’t okay. No issue dito BUT maybe it will shed light why I was fine to just have Bimb in Singapore,” pagtatapat ni Kris.

Bago naman dumating ang saktong kaarawan ng anak ay ipinost na niya ang, “Our baby is almost as tall as his kuya, and it’s true, for this small family unit of 3, he is our STRENGTH and our HAPPY. I’m not afraid kuya will ever face the world alone, and he has really done everything, equal only to my mom, to make me feel 100% LOVED.

“He has my HEART because he is my SOUL. 12 years ago, how could I have known that God had blessed me with everything that would complete me?”

At nitong Easter Sunday ay magkakasama ang magkakapatid na Aquino kasama ang kani-kanilang pamilya para sa selebrasyon ng kaarawan ni Bimby.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …