Monday , December 23 2024
arrest prison

2 kelot timbog sa tupada

DINAKIP ng pulisya ang dalawang lalaki matapos maaktohang nagsasagawa ng tupada sa Marilao, Bulacan kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Amado Mendoza, Jr., acting police chief ng Marilao police, ang mga suspek na sina Mark Anthony Raymundo Moscare, 29 anyos, binata, security  guard; at Jaime Pascual Arenas, 50 anyos, may-asawa, isang driver, at kapuwa residente sa Brgy. Sta. Rosa sa naturang bayan.

Nabatid na nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation ang Marilao police nang maka­tanggap sila ng impormasyon na may nagaganap na tupada sa naturang barangay.

Agad nilang sinalakay ang itinurong tupadahan na agad nilang nadakma sina Jaime at Raymundo habang nagpulasan ng takbo sa pagtakas ang ilang mananabong.

Nakompiska ng pulisya sa lugar ang isang sugatang tandang at isang patay na manok na katatapos lamang ilaban sa ruweda ng tupa­da­han.

Kasalukuyang nakakalaboso sa Marilao municipal jail ang dalawang suspek habang inihahanda ng pulisya ang pagsasampa ng kaso sa kanila sa Office of the Provincial Prosecutor, sa lungsod ng Malolos. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *