Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

Video ng dalagang nakahubad bantang ikalat kelot arestado

KALABOSO ang isang lalaki sa Bulacan matapos ireklamo ng isang dalagang kanyang pinagban­taang ikakalat ang video ng katawang hubad.

Sa ulat mula kay P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, ang suspek ay kinilalang si Aldrin Pingol, 21-anyos.

Nabatid na pinagbantaan ni Pingol na ia-upload ang video ng hubad na katawan ng biktima kung hindi papayag na makipagtalik sa kanya. Sinasabing na­ging magka­ibigan ang suspek at biktima sa online hanggang mag­ka­palagayang loob.

Dahil sa ipina­kitang kaganda­hang loob ay labis na nagtiwala ang biktima sa suspek hanggang bandang huli ay hindi niya natanggihan nang humingi ng mga hubad niyang larawan.

Sa huli ay napagtanto ng biktima na nahulog lang siya sa patibong ng lalaki dahil kinulit na siya nito na magtalik sila, bagay na tinanggihan niya.

Dito na pinagbantaan ng suspek ang biktima na ikakalat ang video ng hubad na katawan ng biktima kundi hindi makikipagtalik sa kanya.

Nagpasya ang biktima na isumbong sa himpilan ng Malolos police ang pangyayari na nagresulta sa pag-aresto sa suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Malolos City Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 995 o Anti-Photo and Voyeurism Act.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …