NAGBABALIK ang Hellboy, ang legendary half-demon superhero ngayong Abril, ngunit hindi bilang karugtong ng fantasy-heavy Hellboy films na ipinalabas noong 2004 at 2008 na idinirehe ng visionary writer/director na si Guillermo del Toro.
Sa halip, ang movie reboot na ito ay mas malagim, na tatamoukan ng mga bagong karakter at binuo ng bagong creative team na kinabibilangan ni Mike Mignola, ang mismong lumikha ng Hellboy comic books, na gumaganap bilang co-executive producer.
Sa direksiyon ng award-winning director na si Neil Marshall (Dog Soldiers, The Descent, Game of Thrones), at pinagbibidahan ng two-time Emmy Award Best Supporting Actor nominee na si David Harbour (Chief Jim Hopper sa Stranger Things), si Hellboy ay inatasang kalabanin ang naghihimagsik na mga higante sa isang karatig lupain ng England. Ito ay bahagi ng kanyang trabaho sa government organization na B.P.R.D. – Bureau for Paranormal Research and Defense.
Habang tinutugis ang mga higante, makakaharap ni Hellboy si Nimue the Blood Queen, isang mapaghiganting 5th century sorceress na nais makuha si Hellboy sa kanyang panig para wasakin ang sangkatauhan at pamunuan ang mundo.
Sa kabila ng pagpapakita ng pinagmulan ni Hellboy – tinawag mula sa kailaliman ng impiyerno at lumabas sa isang isla sa Scotland – ang pelikulang ito ay magsisimula sa gitna ng aksiyon. Ayon kay Mignola, ito ay mas malapit sa isinulat niyang komiks na si Hellboy ay hindi nagtatago sa publiko. May angas ang kanyang dating dahil marami na siyang narating at nagawa, isang katangiang hinango ni Mignola sa kanyang ama na lumaban sa Korean War.
Kompara sa Hellboy version ni Ron Perlman, ang Hellboy ngayon ay may mas nag-aalab na emosyon. Paliwanag ni Harbour, “It’s a classically complicated hero. He’s a creature that was meant to bring about the end of the world, and he just sort of wants to be a good guy. He’s got that complexity to him. He’s also a monster who lives among human beings, so he’s in a sense fighting for human beings against his fellow monsters, and yet the humans hate him because they fear him and they think he’s weird-looking and everything.”
Ang taong may malaking impluwensiya sa buhay ni Hellboy ay si Trevor Brutteholm, ang kanyang kinikilalang ama at nagtatag ng B.P.R.D. Ginagampanan ng Golden Globe Best Actor na si Ian McShane (Deadwood), ang kanyang bersiyon ni Brutteholm ay walang simpatya sa kagustuhan ni Hellboy na maunawaan ang kanyang lugar sa mundo.
Isang malaking karangalan para kay McShane na makuha ang papel na rati’y ginampanan ng kanyang kaibigang si John Hurt. Ikinagalak rin niya na makatrabaho si Harbour sa Bulgaria sa loob ng tatlong lingo. Ipinagmamalaki niya na tama ang pagpili ng filmmakers kay Harbour bilang Hellboy.
Base sa komiks ni Mignola, si Nimue the Blood Queen ay isang manggagaway na ipinatapon at natabunan sa kailaliman ng lupa sa loob ng 1500 years. Ito marahil ang dahilan ng kanyang paghihiganti.
Sa tanong kung ano ang kanyang kapangyarihan, sagot ni Jovovich, “She is able to throw plague and sickness on people.” Sa kabila nito, naniniwala ang aktres na kulang lang ang pang-unawa ng mga tao sa pagkatao ng Blood Queen.
Aniya, ”The Blood Queen’s plan is so beautiful, something that all people want to achieve and it’s actually very relevant to what’s happening in our world. It’s trying to bring people together even though they are very disparate communities, monsters and humans, and bring the world into one so that everybody is protecting each other…I come in peace. It’s not my fault I’m a strong woman.”
“Powerful and strong woman” din mismo ang unang impresyon ni Harbour kay Jovovich, na kilala lamang niya noong una dahil sa mga pelikula nito tulad ng The Fifth Element. Nang makilala niya ito sa personal, nalaman niyang napaka-professional at nagustuhan niya ang pagmamahal nito sa paggawa ng pelikula.
Ang dalawa pa sa mga karakter na ngayon lang lalabas sa pelikulang Hellboy ay sina Alice Monaghan na ginagampanan ni Sasha Lane (American Honey) at Ben Daimo na ginagampanan ni Daniel Dae Kim (Lost, The Divergent Series: Insurgent). Sila ang mga makakasama ni Hellboy sa pagsagip sa mundo.
Si Monaghan ay mula sa Ireland na nagkaroon ng kakayahang mag-magic matapos mabihag ng mga diwata. Sa komiks, siya ay sinagip ni Hellboy mula sa mga diwata.
Si Daimo ay isang Japanese-American military member ng B.P.R.D. na nagiging jaguar kapag nagagalit o nasasaktan. Nakuha niya ang ganitong kapangyarihan matapos ang isang enkuwentrong supernatural.
Puno ng nakamamanghang aksiyon ang Hellboy kaya lubos na naghanda si Harbour para riro. Aniya, ”It’s the most physical role I’ve ever played.”
Dumaan siya sa matinding training sa loob ng 10 linggo sa tulong ng Hollywood trainer na si Don Saladino. Ang kanyang workout ay kinabibilangan ng kettlebells, medicine balls, machine weights, dumbbells, at weighted sleds.
Kwento pa ni Harbour, ”I put on a lot of muscle and I got really strong and a lot of the training was power, because there’s a lot of stunts in the movie. There are two amazing Bulgarian Olympic wrestlers who did most of the Hellboy stunts, but there still was a lot of close up stuff that I had to do.”
Isinalarawan din ni Harbour ang armas ni Hellboy: ”He’s got this big hand cannon and he’s also got this big Right Hand of Doom, so there’s a lot of big fights and there’s a lot of swinging that big right hand around.”
Palabas na ang Hellboy sa mga sinehan sa Abril 10, 2019. Mula sa VIVA International Pictures at MVP Entertainment.