Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zamboanga nalambat ng AP-PL (Coco Martin, Ang Probinsyano Party-List sinuportahan ng mga Zamboangueño)

NALAMBAT ng leading congres­sional candidate na Ang Probinsyano Party-List (AP-PL) ang Zamboanga nang ipagpatuloy nito ang pagsulong ng kapakanan ng mga probinsyano sa naturang lugar.

All out ang naging suporta ng mga Zam­boangueño sa AP-PL bitbit ang kakampi nito na si mutli-award win­ning actor star at director na si Coco Martin sa pagdalaw nila sa iba’t ibang lugar ng Zam­boanga kahapon.

Maaga pa lang kahapon, araw ng Linggo ay nagtipon na sa Polanco Elementary School ang mga taga-Polanco para sa isang grand rally na pinangunahan nina Polanco Mayor Boyet Olvis at 1st District Congressman Bullet Jalosjos.

Nagpasalamat ang mga taga-Polanco sa pagdalo ni Coco Martin sa kanilang lugar at nanga­kong susuportahan nila ang Ang Probinsyano Party-list.

Pagkatapos ng grand rally ay isang motorcade ang isinagawa kung saan nagsiabang ang mga residente ng Zambonanga Del Norte sa mga kal­sada para masilayan ang kanilang idolong si Coco Martin.

Pagkatanghali ay nasa municipal plaza na sina Coco Martin para salubungin ang isa pang malaking pagtitipon ng mga taga-Ipil, Zamboa­nga Sibugay.

Kahit nakabilad pa sa araw ay tuwang-tuwa ang mga taga-Ipil na mapanood sa pagkanta ang idolo nilang si Mar­tin. Bago matapos ang rally ay sinabi nina 2nd District Congress­woman Ann Hofer at Ipil Mayor Inday Amy Ole­gario na all-out ang suporta nila sa party-list ng Ang Probinsyano.

Sa pagbisita ni Coco Martin sa Zamboanga peninsula sa Brgy. Tuma­ga, Por Centro sa Zam­boanga City ay pina­ngunahan ni Rep. Celso Lobregat ang isang rally para sa Ang Probinsyano Party-list.

HATAW News Team

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …