Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP Leni kay Duterte: ‘Alboroto’ reckless, panakot na ‘revgov’ taliwas sa Konsti

TAGBILARAN, BOHOL — Mariing tinutulan ni Vice President Leni Robredo ang pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara siya ng revolutionary government at ipaaaresto ang mga kritiko ng kaniyang administrasyon.

Ayon kay Robredo, hindi dapat idinaraan sa alboroto ang pagsagot sa mga kritisismo, lalo na’t ang banta ng Pangulo ay taliwas sa nasasaad sa Konstitusyon.

“Kailangan kasing alalahanin hindi lang ng Pangulo, hindi lang ako, pero iyong lahat na naglilingkod sa bayan, na marami talagang pagsu­bok iyong pinasok namin na trabaho. Maraming kahirapan, maraming mga frustrations, pero iyong pagsagot sa mga pagsubok at kahirapan, dapat within con­stitu­tional means,” wika ng Pangalawang Pangulo sa isang panayam sa Bohol.

“Hindi puwedeng dahil, parang, nag-alboro­to ka, parang tatakutin iyong taongbayan sa isang paraan na hindi constitutional.”

Dagdag niya: “Tingin ko hindi ito responsableng response dahil kami, pagpasok namin sa ganitong trabaho, pag­sum­pa namin na aayusin namin iyong aming mandato, kabahagi na nito iyong kahirapan. Dapat handa kaming harapin iyong lahat na kahirapan.”

Ayon pa sa Bise Presidente, nakagugulat ang banta na ito ng Pangulo dahil siya ay isang abogado at dapat alam niya ang kaniyang mga tungkulin sa ilalim ng Konstitusyon.

Nasa Tagbilaran si Robredo para sa paglu­lunsad ng Ahon Laylayan Koalisyon, na naglalayong tulungan ang mga sektor mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na maiparating ang kanilang mga panga­ngailangan sa pama­halaan, sa pamamagitan ng pagbuo ng People’s Council — isang meka­nismo na sinimulan ng yumaong asawa ng Bise Presidente na si dating Interior Sec. Jesse Robre­do, noong mayor pa ng Naga City.

Dumalo rin sa nasa­bing pagtitipon ang mga kandidato ng Otso Diretso, na pinuna rin ang banta ng Pangulo.

Ayon sa kilalang human rights lawyer na si Chel Diokno, ang plano ni Duterte ay pagtataksil sa sinumpaan niyang tungkulin.

“Kapag tinuloy ng Pangulo ‘yan, tinatraydor niya mismo ang ating Saligang Batas. Tina­traydor niya ang taongbayan,” ani Diokno, ang founding dean ng De La Salle College of Law. “Ang payo ko lang siguro sa kaniya ay ‘wag naman siyang mapikon at ‘wag naman siya masyadong mainit ang ulo. ‘Chel’ lang siya.”

Binuksan naman ng election lawyer na si Romy Macalintal ang posibi­lidad na kapag nagde­klara ng revolutionary government ay hahalili si Robredo bilang Pangulo, dahil hindi ito sakop ng tungkulin ni Duterte sa ilalim ng Konstitusyon.

Kasama nina Diokno at Macalintal sa Otso Diretso sina Sen. Bam Aquino, Cong. Gary Ale­jano, dating senador Mar Roxas, dating congress­man Erin Tañada, dating solicitor general Pilo Hilbay, at dating ARMM assemblywoman Samira Gutoc. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Black smoke

Maingay, maamoy
SUSPENSIYON VS PERMIT NG TIME CERAMIC HILING NG MGA RESIDENTE

SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro laban sa Time …

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …

Goitia

Goitia: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng Batas Mga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin

Muling umigting ang pagtatalo sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang palitan ng pahayag sa …