Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mamita, boto kay Maine; good influence sa aktor

Hindi pa nakikilala ng pamilya ni Arjo si Maine pero base sa pagtatanong namin sa magulang at mga kapatid ng aktor ay okay sa kanila ang dalaga dahil magandang impluwesiya siya sa anak nila.

Natanong ang lola Pilar Atayde ni Arjo na nasa taping din ng Magandang Buhay at nasabi nitong, “Lahat desisyon niya ‘yan, eh. Kasi kung sa puso, hindi mo puwedeng pakialaman.

“May kanya-kayang pakiramdam.

“Kung ikaw ay talagang umiibig, paano mo ‘yan hihintuin? Ipagpatuloy mo. Bahala siya, ‘no? If he’s happy where he is, you should be happy,” saad ni Mamita.

Dagdag pa, “Mahal ko ‘yan, eh. Alaga ko ‘yan noong baby ‘yan. Alaga ko siya.”

Boto ba si Mamita kay Maine?”Why not? I’m happy for him, as I’ve said.”

At siyempre ang ikatlong anak ng mga Atayde na si Gela ay nagsabing nakikita niyang masayang-masaya ang kuya Arjo niya noong naging sila ni Maine.

“Super happy. I’ve never really seen him this super, like, super involved in the relationship. He’s really, his aura, he’s just happier now.

“And even my family noticed he’s more cheerful and when we talk about things, he’s very enthusiastic about it. We’re just super happy that he’s happy.”

Kaya nga nasabi ng nanay ng aktor na si Sylvia Sanchez na gusto niya si Maine dahil good influence sa panganay niya.

Anyway, naniniwala kami na pinanonood ni Maine ang Bagman at feeling din naming papanoorin nila ni Arjo ang Stranded na mapapanood na sa Abril 10 mula sa Regal Entertainment na idinirehe ni Ice Adanan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …