Sunday , April 13 2025

Lalaking ‘exhibitionist’ sa loob ng jeepney tukoy na ng pulisya (Sa Bulacan)

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang isang lalaki sa nag-viral na video sa Facebook na nilalaro ang ari habang nasa loob ng pamapasaherong jeepney sa Bulacan.

Kuha ang video noong 20 Marso na isang lalaki ang nilalaro ang kaniyang ari kaharap ang isang babaeng pasahero sa loob ng jeepney.

Ayon sa biktima, naka­sakay niya ang lalaki sa jeep na biyaheng Pulilan sa Bulacan at nang tatlo na lamang silang pasa­hero kasama ang isa pang babae ay tingin nang tingin ito sa kanilang dalawa na tila may kinakamot.

Dito na bumulaga sa biktima ang ginagawang paglalaro ng lalaki sa ari nito na nakuhaan niya ng mga larawan at video.

Bago bumaba ang lalaki ay ginamitan siya ng pepper spray ng biktima na pati tuloy ang isang pasa­herong babae ay natilam­sikan.

Agad na ipina-blotter ng babae sa Barangay Longos sa naturang bayan ang pangyayari at ibinigay ang kopya ng video at larawang kanyang naku­haan.

Napag-alamang may isa pang nabiktima ang lalaki bandang 6:00 – 7:00 am sa kaparehong araw.

Sa update ng biktima sa kanyang Facebook, kinilala ang lalaking exhibitionist at nakatira sa Baliuag, Bulacan.

Kaugnay nito, hini­mok ni P/Capt. Reginal Turla, deputy chief ng Pulilan Police ang mga biktima na magsam­pa ng kaso laban sa lalaki.

Hinikayat din ni Turla ang lalaking naglaro ng ari na kusang sumuko dahil tiyak na hahanapin siya ng pulisya.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *