MULING nanguna si reelectionist Senator Grace Poe sa isang independent/non-commissioned survey na isinagawa ng isang polling firm sa bansa.
Sa survey ng Publicus Asia Inc., noong 16-17 Marso sa 1,800 registered voter sa Metro Manila na ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interview, lumalabas na si Poe ang may pinakamataas na voting preference o 72.56% at trust rating na 80.22%.
Pumangalawa si Sen. Cynthia Villar sa voting preference na 61.72% at trust rating na 69.22%, pangatlo si Sen. Nancy Binay na may voting preference na 49.50%, at trust rating na 59.50% sinundan ni dating senador Pia Cayetano sa voting preference na 46.33% at trust rating na 58. 17 at si dating Philippine National Police director general Ronald ‘Bato’ dela Rosa na may voting preference na 46.33% at trust rating na 57%.
Pumasok din sa Top 12 sina reelectionist Senator Sonny Angara, dating senador na sina Bong Revilla at Lito Lapid, dating Special Assistant to the President Bong Go, dating senador Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Sen. JV Ejercito.
Kasunod nila sina Sen. Bam Aquino, Sen. Koko Pimentel, dating senador Serge Osmeña, dating Cabinet member Francis Tolentino at dating broadcast journalist Jiggy Manicad.