Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are sulit ang hirap sa Rendezvous, sumungkit muli ng award

MULI na namang nanalo ng award ang indie actor na si Tonz Are sa katatapos na Singkuwento International Film Festival para sa pelikulang  Rendezvous. Pitong beses nang nanalo ng acting award si Tonz na guma­nap sa natu­rang pelikula bilang si Balud, isang merman na na-in love sa taga-lupa.

Nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga biyayang natatamo. “I’m so blessed sa career ko. Nagpapasalamat ako sa mga director ko na nagtitiwala sa akin, sa Knight Vision family ko, kay direk Marvin Gabas, Mommy Arlene Rivera, direk Carlo Alvarez… blessings sila sa akin and sa pagkapanalo ko sa Singkuwento International Film Festival noong February, sobrang laki po ng aking pasasalamat sa pelikulang Rendezvous, ni Direk Marvin Gabas,” wika ni Tonz.

Dagdag pa ng aktor, “Nagpapasalamat din po ako sa bumubuo nito, nanalo po ako bilang Supporting Actor sa pelikula naming Rendezvous and Best Supporting Actress naman ang aking nanay-nanayan sa showbiz na si mommy Gina Pareño na isa rin sa pinakamahusay na actress dito sa Filipinas.”

Nabanggit din ni Tonz ang matagumpay na red carpet premiere ng bago niyang pelikula. “Nagpapasalamat ako sa sup­port ng aking pamilya, successful ang aming movie na Parisukat sa direksiyon ni Carlo Alvarez na ginanap last March 23 sa Gateway Cineplex. At sa GMA 7 sa the 700 Club Asia, mapapanood pa rin ako roon, Mondays to Fridays, 12 midnight po. Sana soon, mapasama rin ako sa mga teleserye sa ABS CBN o GMA-7. Iyon po kasi talaga pangarap ko ngayon.”

Ano’ng reaction niya sa mga papuri ni Gina Pareño. “Sobrang na-touch ako sa papuri ni Mommy Gina, isang karangalan na mapansin ng batikang actress ang aking pag-arte and napakasarap po talagang katrabaho, napaka-professional and down to earth, napaka-cool din pati ng anak niyang nag-aartista na rin, si ate Racquel – saludo ako sa mag-ina.

“Successful din ang screening namin sa Mindanao, Midsayap, Cotabato, Koronadal city and General Santos city na almost 12,000 po ang nakapanood ng film namin noong nakaraang March 4 to 18,” masayang sambit ni Tonz.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …