NANAWAGAN kahapon si Magdalo Rep. Gary Alejano na paimbestigahan ang mga alegasyon ni Eduardo Acierto laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Seryoso aniya ang alegasyon at dapat lamang na maimbestigahan.
Si Acierto ay isang mataas na opisyal ng PNP Drug Enforcement Group.
“I call on relevant local authorities and international institutions to look into this matter. This issue should not be dismissed by just attacking the credibility of the messenger,” ani Alejano.
Ayon kay Alejano, isang dating opisyal ng Marines, nakababahala ang intelligence report na nagdetalye ng pagkakasangkot ni Michael Yang at Allan Lim sa ilegal na kalakalan ng droga at walang ginawa ang Philippine National Police, ang Philippine Drug Enforcement Agency at ang Malacañang sa kabila ng matinding laban ng pangulo sa ilegal na droga.
Ayon sa intelligence report, ang drug laboratory ni Michael Yang sa Davao City, at Allan Lim sa Cavite City ay sinalakay noong 2004 at 2003.
Patunay na sangkot sila sa ilegal na kalakalan sa droga, ani Alejano.
“Nakapagtataka na ang Pangulo na sinasabing galit na galit sa droga ay nakikitang may kaibigang mga drug lords na inilagay sa gobyerno. Michael Yang, a Chinese national, was even appointed as economic adviser of the President. This is a glaring irony,” ani Alejano.
Ani Alejano, galit na galit ang presidente sa mga ilegal na shipment ng shabu pero kahit kailan hindi siya nag-utos na hanapin ang mga taong nasa likod nito.
“I never heard the President ordering a manhunt on the perpetrators of the drug shipments. The drug personalities were even cleared from charges. The PDEA was accused of speculating when it said that the magnetic filters contain illegal drugs. The Customs heads that should be held accountable were merely removed from their office and soon transferred to another position,” paliwanag ni Alejano.
“Sa kabila ng pagmumura at pananakot, patuloy ang pagbaha ng droga sa bansa dahil kinokonsinti at inabsuwelto ang drug lords. Masakit malama na binabalewala lamang ang pagpasok ng droga habang marami nang namamatay na mihihirap na Filipino, mga pamilyang nawasak, at mga institusyong nasira,” ayon kay Alejano.
(GERRY BALDO)