Sunday , December 22 2024

Berdugong pulis-P’que teenager pinalo ng baril nalunok ang ngipin

NOONG bago magkatapusan ng buwan ng Pe­brero ng taong kasalukuyan, may isang insidente na naganap na hindi nakarating sa kaalaman ng hepe ng pulisya ng Parañaque City at maging kay Brgy. Captain Chucky Cortez ng Sun Valley District II ng nasabing lungsod.

Sa pagitan ng alas dose at alas dos ng umaga sa Villa Paraiso, limang kabataan, tatlong babae at dalawang lalaki ang nakaistambay sa tapat ng isang coffee shop nang biglang dumating ang apat katao na pawang nakasibilyan at may mga nakasukbit na baril sa kanilang beywang.

Ang apat na lalaki ay pawang mga tauhan ng Police Precint No. 7 ng Parañaque Police Station.

Ang limang kabataan ay biglang nagtakbuhan na pawang nasa edad 14-16 anyos dahil takot sa mga pulis na dumating, na ayon sa mga testigo ay pawang mga amoy alak.

Sa pagtakbo ng limang kabataan, isa sa kanila, kinilalang si David Bungallon, 15 anyos ng Gawad Kalinga, Villa Paraiso, Brgy. Sun Valley.

Ilang metro rin ang habulan na naganap hanggang mahuli si David ng pulis na may apelyidong Valera.

Ayon sa mga saksi, pina­lo umano ng baril sa mukha ni Valera ang biktimang si David na naging dahilan upang malunok nito ang isang ba­gang na ngipin.

Kitang-kita ng mga testigo na bitbit ng pulis na si Valera ang biktima at du­guan ang muk­ha. Habang nag­pupumiglas ang biktima at sumisigaw ng, “Sir, bakit po ano ang kasa­lanan ko?”

Sa puntong iyon, isa sa kasamahang pulis na may apelyidong For ang kumuha ng gamot at bulak, saka ginamot ang sugat ng biktima.

Galit na galit umano ang mga magulang ng biktima nang makita ang kalagayan ng  anak at kanilang isinugod ito sa pinakamalapit na ospital saka nagreklamo sa Presinto 7.

Kinabukasan, nagtungo umano ang pulis na si Valera sa bahay ng biktima kasama ang isang kasamahang pulis at pilit na inaareglo ang mga magulang ng biktima na menor de edad.

Sa una ay naging matigas ang mga magulang ng biktima, nagtungo at nagsumbong pa sila sa programa ni Raffy Tulfo para humingi ng tulong.

Nang malaman ito ni Valera ay mabilis na inareglo umano ang pamilya ng biktima ng hala­gang P100,000. Tila sa takot ng pamilya ay bigla na lamang tumahimik na posibleng nagpaareglo sa pulis na si Valera.

Marahil malaking takot dahil pulis ang suspek, kaya minabuti nang magpaareglo ng pamilya.

Ang asal ng pulis na si Valera, kung itinuloy ng pamilya na sam­pahan ng kaso, ay magiging aral sa kanyang pag­labag sa si­num­paang tung­kulin.

Puwede pa sa­na siyang masi­bak sa kanyang tungkulin.

Kaya mara­ming abusadong pulis dahil naareglo ang kaso, sana ‘di na ito maulit pa sa pamilyang nagpa­areglo!

Dapat ay sam­pahan ng kasong administratibo ang pulis na si Valera ng kanyang superior officers dahil ang tulad ni Valera na berdugo ay hindi bagay na maging pulis.

Imbes magbigay ng proteksiyon, sila pa ang promotor ng kaguluhan!

SPDC director C/Supt. Ely Cruz, alisin mo sa lungsod ng Parañaque Police si Valera dahil magsisilbing anay ‘yan sa iyong adminis­trasyon!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *