Thursday , May 15 2025
San Jose del Monte CSJDM Police

2 tulak patay sa enkuwentro

NAPATAY ang dalawang tulak matapos manlaban sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan.

Sa ulat mula kay Lt. Colonel Orlando Castil, hepe ng CSJDM police, kinilala ang isa sa mga suspek na si Johnrick Amoncio habang ang isa pa ay kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan.

Dahil nasa drug watch list, nagsagawa ng buy bust operation ang  pulisya laban sa dalawa sa Barangay Gaya-Gaya kamakalawa ng gabi.

Nabatid na habang nasa gitna ng transaksiyon, nakahalata ang mga suspek na poseur buyer ang kaharap kaya bumunot na sila ng baril at pina­putukan ang mga pulis.

Ayon kay Castil, sa habulan ay patuloy na nagpapaputok ng baril ang mga suspek kaya napilitan ang mga pulis na gumanti na ikinasawi ng dalawa.

Sinasabing matagal nang sinusubaybayan ng mga pulis ang mga suspek dahil sa pagbebenta ng droga at iba pang krimen.

“May instances na nagkakaroon po tayo ng shooting incident dito sa area dahil ang mga primary suspect ay mga targets po natin. Minsan kung napag­hihi­nalaan nila ‘yung isang tao na akala nila is nag-a-asset sa pulis, babarilin na lang nila bigla,” ani Castil.

Nakompiska mula sa mga sus­pek ang dalawang kalibre .38 baril at 10 sachet ng hinihinalang sha­bu. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *