Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde, inuulan ng papuri sa husay sa Bagman

KAKAIBANG Arjo Atayde ang mapapanood sa digital series na Bagman ng iWant. Base sa teaser nito, maaksiyon, madugo, at exciting. Pero bukod dito, lumutang muli ang husay ni Arjo sa seryeng ito na magsisimulang mapanood nang libre sa March 20.

Kaliwa’t kanang papuri ang tinatanggap ng anak ni Ms. Sylvia Sanchez sa mahusay na pagganap. Ito’y isang socio-political action drama series at gumaganap dito si Arjo bilang si Benjo, isang ordinaryong barberong napilitang kumapit sa patalim para sa kanyang pamilya at naging bagman ng isang gobernador.

Mula sa direktor nilang si direk Shugo Praico at co-stars na sina Raymond Bagatsing, Yayo Aguila, Alan Paule, at Chanel Latorre, lahat ay pinuri ang husay ni Arjo sa Bagman.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Arjo sa mga papuring natatanggap at sa magandang takbo ng kanyang career.

Sambit niya, “Everything is surreal, everything is overwhelming, I can’t explain being given all these roles, this opportunity, the family, good personal life, career. ABS-CBN is taking care of me, Dreamscape and Rein took care of me well in this project, of course my co-actors took care of me so well and nothing easy but I worked for it. Very, very thankful.”

Nabanggit din ni Arjo na hindi ibig sabihin nito ay malilinya na siya sa mga action project. “I will do any role, I will accept any role, I don’t wanna be boxed. I wanna be the first in my generation in television that can do 257 roles. I continue doing what I am doing and yes, I will continue it and I’ll do every role I could and if given the opportunity thank you, that’s what I’m looking forward,” aniya.

Sa seryeng Bagman, mamahalin o kasusuk­laman ba siya ng mga manonood? “Actually balance, I can’t explain. Balance in a way na point to point na in any case na you will understand. Both ways,” wika ng Kapamilya aktor.

Produce ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment, ang unang anim na episodes ng Bagman ay ma­giging available sa iWant nang libre simula Mar­so 20. Tatlong episodes naman ang mapapanood sa 27 Marso, at ang huling tatlong episodes ay sa 3 Abril.

Incidentally, congrats kay Arjo dahil nominated siya sa FAMAS sa kategoryang Outstanding Performance by an Actor in a Supporting Role para sa peliku­lang Buy Bust na pinagbidahan ni Anne Curtis.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …