Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

Ogie Diaz, happy sa success ng movie nina LizQuen na Alone/Together

PATULOY na kumikita ang pelikulang Alone/Together ni Direk Antoinette Jadaone na tinatampukan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Kaya naman masayang-masaya ang manager ni Liza na si Ogie Diaz.

Sa panayam namin sa komedyante, inusisa namin kung anong reaction niya na after sunod-sunod ang mga pelikulang flop, isang blockbuster ang LizQuen movie?

Tugon ni Ogie, “Natutuwa ako, kasi binali nila ang sumpa. Kasi kumbaga ‘di naman kasi this year lang, mahihina talaga ‘yung mga pelikula… tapos noong sumulpot yung Alone/Together biglang kumita. It’s a good news for the industry, lalo na’t kailangan natin talagang bumangon.”

Dagdag niya, “Lahat tayo bahagi ng industriya, pag nagfa-flop ang mga pelikula, dapat nalulung­kot tayo. And kumakaunti na rin, nababawasan ‘yung mga film producers na nagpo-produce dahil siyempre kailangan nilang maibalik ‘yung pera nila, ‘di ba? Kaya ako’y natutuwa noong sumipa sa takilya ;yung Alone/Together.

“Siyempre ganoon pa man, sana kahit sa ibang pelikula ganoon din ang mangyari, kumita. Kahit man lang makabawi.”

Kinabahan ba siya na bago mag-showing, baka magaya ‘yung Alone/Together sa naunang movies na nag-flop?

Esplika ni Ogie, “Wala, alam kong kikita ‘yun, e. Kasi wala naman silang (LizQuen) flop. Kumbaga, importante lang naman dito ay kumita. ‘Yung iba kasi, ‘Ay di nila malalampasan ‘yung kinita ng isa, kasi ano…’ Hindi naman kami – ‘di naman gumawa ang LizQuen ng pelikula para tapatan at lampasan ang kinita ng ibang pelikula, ‘di ba?

“The mere fact na kumita, dapat maging masaya na tayo kasi ‘yun lang naman ang purpose e, kumita, maibalik ang puhunan, para mas marami pang pelikula ang mai-produce.”

So, ‘yung Alone/Together, hindi nag-aambi­syon na higitan angThe Hows of Us ng KathNiel? “Oo. Diyos ko, ‘e di ba super bong­ga na ‘yun kung malag­pasan, e kung hindi, at the end of the day, kumita pa rin naman siya,” sambit ng komedyante.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …