Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karl Angelo Lupena, dream sundan ang yapak ni Robin Padilla

HILIG talaga ng newcomer na si Karl Angelo Lupena ang pag-aartista. Kaya naman bata pa lang ay sumasali na siya sa mga school play. Siya ay 18 years old na tubong Cavite at isang freshman sa Lyceum of the Philippines.

“Hilig ko po talaga ang mag-artista, bata pa lang po ako ay passion ko na iyon. Simula pa lang po noong elementary ako, siguro 10 years old ako, kapag sa school may mga theater play, lagi po akong nag-a-act,” wika ni Karl na nasa pangangalaga ni Kaiser Torres Pareja.

Saang mga show na siya nakalabas? “Sa Wish Ko Lang, nakasama po ako roon bilang bully ni Kyline Alcantara. Tapos sa Playhouse po, sa MMK, sa Wish Ko Lang, Ipaglaban mo, iWander, Pinasarap, at marami pa.”

Ano ang unang-unang project niya talaga?  ”Iyong MMK noong 2018, doon po ako nag-start talaga. Na ang bida po ay si Loisa Andalio

Ano’ng klaseng experience ‘yun? “Sobrang excited po ako noon, pero ‘di naman po ako masyadong kinabahan kasi medyo sanay na rin po ako sa pag-a-acting.”

Sa mga pageant, kamakailan ay nanalo si Karl bilang Ginoong Tanza. Naka-limang contest na raw siya at kung hindi winner ay lagi siyang kasali sa Top-3.

Sino ang idol niya at wish sundan ang yapak? ”Si Robin Padilla po saka si Daniel Padilla po talaga ang pinakahinahangaan ko. Kasi bukod sa napakabait nila, napakagaling nilang makisama, napakagaling din po nila talagang mag-acting.

“Nakakasama ko lang po, parang extra pa lang po ako noong nakasama ko si Robin doon sa Sana Dalawa Ang Puso pero sobrang saya po sa feeling kasi napakabait po talaga niya. Talagang ie-entertain ka po nila, kunwari pa-picture, ganoon po,” masayang saad pa ni Karl.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …