Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amanpulo, target mapuntahan ni Janine kasama si Rayver

IN an interview sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko, sinabi ni Rayver Cruz na may “utang” ito kay Janine Gutierrez dahil hindi sila nakapag-Valentine date.

Sa halip na mag-date ay isinama ni Rayver si Janine noong Valentine’s Day sa puntod ng ina, si Beth Cruz, na namatay a month ago, February 2, sa sakit na pancreatic cancer.

Kapag nagkaroon na sila ng oras para sa isang belated Valentine date, saan gusto ni Janine na dalhin siya ni Rayver?

“Amanpulo… char!

“Hindi, dinner lang, dinner-dinner lang.”

Pero nasa bucket list ni Janine na makarating sa Amanpulo at nais niyang mangyari iyon this year.

“Hindi pa ako nakapunta roon eh, pero dapat matinding okasyon na ‘yun kasi.”

Puwedeng tuhog na iyon, Valentine’s date nila ni Rayver at birthday ni Janine.

“Puwede, puwede, para sulit, ‘no?

Ang Amanpulo ay isang pribadong island resort sa Palawan na dinarayo kahit ng mga Hollywood celebrities dahil sa kagandahan (at kamahalan) nito.

“Excited ako kasi ngayon lang ako magkakaroon ng ganito ka-strong talaga [na character]. And additional challenge nga ‘yung bumubuga siya ng apoy.

“So iyon talaga ‘yung kakaiba,” pahayag naman ni Janine na gaganap na Dragon Lady sa bagong serye ng GMA.

Sa huli kasi niyang serye, ang Victor Magtanggol, ay siya ang damsel in distress, ngayon ay siya na ang may kapangyarihan.

“Yes, opo. Kaya excited ako, iba naman.”

Dahil sa sumpa at suwerte, babaeng hitsurang dragon ang papel ni Janine sa fantasy series, may eksena ba na gaganda siya?

“So far, wala, eh. Wala, as in ganyan talaga ang hitsura niya.

“Pero later on, mayroong mangyayari… mayroong mangyayari na talagang malaking moment sa kuwento na magkakaroon ng parang mala-Phoenix na moment at…”

Ayon sa Wikipedia, in Greek Mythology, a phoenix (/ÈfiÐnjks/; Ancient Greek: öïÖíéî, phoînix) is a long-lived bird that cyclically regenerates or is otherwise born again.

“Kapag napupuno siya ng galit, talaga. Parang iyon ‘yung, siguro hindi niya mapigilan, or talagang iyon na ‘yung paraan na alam niya ‘pag wala na siyang ibang magawa para lumaban.”

Ipalalabas ang Dragon Lady simula Lunes, March 4 sa GMA Afternoon Prime.

Si Janine si Celestina Sanchez at si Tom si Michael Chan. Nasa cast din sina Joyce Ching [as Astrid Chua]; Bea Binene (batang Almira Sanchez na magiging si Diana Zubiri na ina ni Celestina); Derrick Monasterio (batang Charles Chua na magiging si DJ Durano na biological father ni Celestina); Kristoffer Martin (young Bryan Atienza na magiging si James Blanco).

Sa direksiyon ni Paul Sta. Ana. Nasa Dragon Lady din sina Maricar de Mesa bilang Vera Lim-Chua; Edgar Allan Guzman as Goldwyn Chen; Odette Khan as Doray; Dexter Doria as Philippa Chua; Lovely Abella as Ginger Garcia; at Julie Lee as Lotus.

May special participation sina Isabelle de Leon bilang young Vera, Denise Barbacena bilang young Ginger; Mosang bilang young Doray; at Carlene Aguilar bilang young Philippa.

Fantasy/drama ang Dragon Lady, na una ay inakala ng iba na isang matinding action/drama series na may Kung Fu scenes.

“So far, mas fantasy at mas drama talaga. Pero tingnan natin, hindi natin alam kung baka puwedeng may matutuhan din siyang Kung Fu or karate or kung anuman.”

Sa tunay na buhay ba ay may pagka-”dragon” ba si Janine? Kailan lumalabas ‘yung pagiging “dragona” niya?

“Siguro ‘pag tinanong n’yo po ‘yung mga kapatid ko sasabihin nila dragon nga ako,”   at tumawa si Janine. “Pero kasama na ‘yun siguro sa pagiging ate, na ako ‘yung istrikto, ako ‘yung nagagalit, nanggigigil at iba pa.

“Sa… una, siguro nanggagaling na rin siya from a place of love na parang  minsan hindi  mo maiwasan na nagiging strict ka, or parang pinapanrangalan mo.

“Ako medyo ganoon ako bilang ate, hindi ko mapigilan.”

Protective at loving ate si Janine sa mga kapatid niyang sina Jessica, Diego, at Maxine Gutierrez.

Nagiging dragon rin si Janine kapag inaabot ng gutom sa gitna ng matinding traffic sa kalye.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …