IBANG klase talaga ang dating ng awiting Buwan kaya naman dinumog at pinagkaguluhan nang husto si Juan Karlos “JK” Labajo on the first night of the annual Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music last March 1 at Circuit Makati.
Phenomenal talaga ang dating ng awiting Buwan dahil sinasabayan ng mga tao ang pagkanta ni JK Labajo.
May isang alaskador na paulit-ulit na sumigaw ng, “I love you, Darren!” na ikinapikon talaga ni JK.
May katarayang sagot ng batang mang-aawit,
“Ako nga pala si JK… Ito nga pala si p*t*ng ina mo!
“Ako nga pala si JK. Tigilan mo na ‘yan. Ayokong marinig ‘yang pangalan na ‘yan! Nakabubuwisit!
“Ako nga pala si JK. Siya nga pala si Marcus. Siya nga pala si Clark. ‘Yun nga pala si Gian.
“Ikaw ‘yung p*t*ng inang sigaw nang sigaw, kanina ka pa!
“Kayo nga palang mabait na audience, puwera ikaw, p*t*ng ina mo.”
Sabay dirty finger umano ni JK.
Sa pagiging warfreak niya, sinusundan raw ni JK ang footsteps ni Baron Geisler?
So, may bago na palang monicker si JK. He’s no longer the “Prince of Pinoy Rock” but supposedly the “Baron of Pinoy Rock?”
But it would be most unfair for JK to be labelled as the new Baron.
Binastos naman kasi siya kaya na-freakout at nag-dirty finger.
At any rate, may mga alaskador na nag-suggest na mag-showdown raw sina JK at Darren on the 2nd edition of Pinoy Playlist musicfest. Pero malabo raw na mangyari ‘yun.
It’s highly probable na magsama sa isang set sina JK at Bamboo at si Darren in another set with Jed Madela. Hahahahahahahaha!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.