INARESTO ng pulisya ang tatlong lalaki na naaktohang nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Bocaue, Bulacan.
Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Lopez, 22-anyos; Anthony Lopez, 19-anyos; at Mark Anthony Dimaranan, 25-anyos.
Isinagawa ang operasyon laban sa tatlong suspek ng mga kagawad ng Bocaue police at Bulacan Provincial Special Operation Group (PSOG).
Nabatid na inaresto ang tatlo matapos makakuha ng impormasyon ang mga operatiba na sila ang nagbebenta at nagde-deliver ng mga pekeng brand ng sigarilyo na Fortune at Marlboro sa bayan ng Bocaue.
Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. (MICKA BAUTISTA)