Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quinn Carrillo buwis-buhay ang performance, Marco nagpasilip ng puwet sa This Is Me  concert

NAKABIBILIB ang ipinakitang performance ng Belladonnas at Clique V sa ginanap na This Is Me concert nila last Feb. 23, sa SM Skydome. Gaya ng sinabi ng manager nilang si Ms. Len Carrillo, maraming pasabog na naganap dito.

Nagpakitang-gilas sa pagkanta at pagsayaw ang dalawang grupo ng mga talented na kabataan, na binigyan ng moment ang bawat talent ng 3:16 Events and Talents Management Company.

Pasabog na agad sa opening number pa lang, na sinundan ng nakaaaliw at nakamamanghang performance tulad ng production number ng Clique V with Ana Ramsey para sa Adele medley.

Kakaibang Buwan challenge naman ang hatid ng Clique V member na si Gabby at Belladonna na si Rie na nagpatulo ng luha sa Skydome. Sa interpretative dance performance nila’y mapa­pansin na bukod sa pagsayaw ay may talent din sa acting ang dalawa via their body movements.

Si Quinn Carrillo ay nakabibilib ang buwis-buhay na production number na ginawa. Iniangat gamit ang kawayan, na inalalayan lang ng tela at ang paghagis kay Quinn sa ere. Patunay kung gaano kaseryoso sa career niya si Quinn. Parang Magic Mike naman ang naging number ni Marco Gomez, na pinaliyab ang stage dahil sa pa-abs nito. Nag-sexy dance si Marco sa harap ng audience at may ipinasilip pang puwet bilang finale.

Very touching nga ang isang production number na nagbigay-pugay ang dalawang grupo ng kanta sa kanilang parents. Ang ibang members ay hindi rin napigilang mapaiyak habang kumakanta, pati na rin ang lady boss nilang si Ms. Len. Dito rin nagpakita ang isang Belladonna na si Phoebe na hindi nakasamang mag-perform dahil sa appendicitis, ngunit pinilit pa rin makasama ang kanyang mga miyembro.

Malaking tsek din ang performance ng Belladonnas na may pa-cage effect pa. Sumunod ang Clique V with Michael Jackson acapella na biglang pumihit ng dance performance na ikinasiya ng madla. Kabilang sa mga performance na ikinatuwa ng audience ang kina Sanya Lopez, Hashtag member CK, Arron Villaflor at Jak Roberto kasama ang Belladonnas at Clique V.

Sa panayam namin kay Ms. Len, sinabi niyang, “Very proud talaga ako sa kanila, sa Belladonnas at Clique V dahil talagang pinaghandaan at pinaghirapan nila ito. Nakita ko ang dedication talaga ng mga kabataan at sulit naman.”

Ang Belladonnas ay binubuo ng maga­gandang dilag na edad 17 to 20 years old na sina Quinn, Phoebe, Chloe, Jazzy, Xie, Rie at Tine. Samantala, makikisig at guwapings naman ang bumubuo sa Clique V na sina Gabby, Calvin, Blaize, Kaizer, Karl, Sean, Josh at Marco.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …