Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jadine paeng benj

Nadine at James, focus sa career kaya deadma muna sa kasal

ANG nalabanan naman ng aktres na si Nadine Lustre ay ang kanyang stress and anxiety na pinagdaanan nang mawala ang kapatid.

Inamin ni Nadine na nakaapekto ito sa kanya sa mahabang panahon. Pero ang boyfriend niya for 3 years na si James Reid ang nakatulong para siya makabangon.

Kaya habang ginagawa niya ang Viva Films project niyang Ulan ni direk Irene Viillamor, nayakap na mabuti ni Nadine ang karakter niya bilang Maya sa pelikula.

Hopeless romantic na ilang beses ng nabigo sa pag-ibig si Maya. Hindi si James ang kasama ni Nadine sa pelikula kundi sina Carlo Aquino, Marco Gumabao, at AJ Muhlach.

James and I both know na we will come to this. And we are very focused with our careers. Kaya ang kasal, hindi namin napag-uusapan. With the things na nakaharap na namin together, we both learned na ang importante in a relationship are trust and communications. Noon kasi, marami akong bottled up feelings. Natatakot ako na magsabi or magsalita about what or how I am feeling. Now, am more open na to say what’s in my heart and mind. Wala naman kaming away na grabe. He is such a sweet person.”

Some rain has fallen into her life. Gaya nga ng pagka-ulila sa pinakamamahal niyang kapatid. Umagos na ang luha sa mga mata niya. She has overcome it.

Kaya sa March 13, 2019 samahan ang cast ng Ulan sa mga sinehan and plunge into Maya’s journey.

Kung may mga karakter na gaya ng mga Tikbalang o Higanteng mga itlog na nakikita sa trailer, huwag ipagkamali na this is a horror film. It is a romantic drama.

Into each life, some rain must fall.

Basta huwag storms, okay na ang romantic feels ng mga drizzle riyan. ‘Di ba?

Na sana ulanin ng blessings mula sa langit sa panahon ng showing!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …