Friday , May 16 2025

Philippine Sports Training Center Act, pinirmahan na ni Digong

SA unang pagkakataon simula 1934, kung kailan itinayo ang Rizal Memorial Sports Complex (RSMC),  magkakaroon na sa wakas ng permanente at moder­nong tahanan ang mga atletang Filipino.

Ito ay matapos iharap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong pirmang Republic Act No. 11214 o ang Philippine Sports Training Center Act kamakalawa ng gabi sa Malacañang Palace sa Maynila.

Ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni PSC Chairman William ang mamamahala sa naturang pasilidad na alinsunod sa misyon ng pamahalaan ay maiangat at mapagyaman ang palakasan sa bansa.

May kabuuang P3.5 bilyon ang pondong inilaan ng gobyerno para sa 18-buwang konstruksiyon ng naturang PSTC.

Ang Rosales, Panga­sinan ang inisyal na planong lugar na pagtata­yuan ng 20 ektaryang PSTC na maglalaman ng athletes and coaches’ dormitory gayondin ang multi-purpose halls, fields at courts para sa mga larong e basketball, volleyball, football, boxing, tennis, aquatics, baseball, archery at shooting.

Kasabay ng planong PSTC construction ang pagsasasayos ng RMSC sa Maynila, ULTRA sa Pasig gayondin ng 14 iba pang regional training centers sa bansa.

Dagdag din ang PSTC sa ilang higanteng kons­truksiyon ng pamahalaan para sa kapakanan ng isports kasunod ng ipinapatayong New Clark City sa Capas at Bamban, Tarlac na siyang pagdara­usan ng 30th Southeast Asian Games.

Inaasahang matatapos ang New Clark City sa Oktubre, isang buwan bago ang prestihiyosong biennial event sa 30 Nobyembre hanggang sa 11 Disyembre 2019.

             (JOHN BRYAN ULANDAY)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *