Tuesday , December 24 2024

Batang Gilas mapapalaban sa World Cup

NAHULOG sa bigating Group C ang Batang Gilas sa napipintong 2019 FIBA Under-19 World Cup sa Heraklion, Greece.

Ayon sa FIBA groupings draw na ginanap kamakalawa ng gabi, makakalaban ng RP youth team sa Group C ang powerhouse squads na Argentina, Russia at host country na Greece sa torneong magaganap mula 29 Hunyo hanggang 7 Hulyo.

Mapapalaban agad ang Batang Gilas, ranggong ika-30 sa buong mundo, kontra sa 15th ranked na Greece sa 29 Hunyo bago sumabak kontra sa ika-siyam na Argentina sa 30 Hunyo at 19th ranked na Russia sa 2 Hulyo.

Magugunitang noong nakaraang taon ay nakasikwat ng upuan sa U19 World Cup ang Batang Gilas matapos pumang-apat sa 2018 FIBA U18 Asia Champion­ship na ginanap sa Nontha­buri, Thailand sa pa­ngunguna nina twin towers Kai Sotto at AJ Edu.

Kasamang umabante ng Gilas ang kampeon na Australia, runner-up na New Zealand at third placer na China bilang kinatawan ng FIBA Oceania Zone sa 16-team tournament.

Matatandaang noong nakaraang taon din ay pumasok sa FIBA U17 World Cup ang Batang Gilas sa Argentina mata­pos pumang-apat din sa ginanap na FIBA U16 Asia Championship sa China noong 2017.

Inaasahang babande­rahan ulit nina 7’2 Sotto at 6’9 Edu ang koponan kasa­ma ang mga guwardiyang sina Dave Ildefonso at Dalph Panopio.

Misyon ng koponan na malagpasan ang ika-10 puwestong pagtatapos ng huling RP Youth team sa paggabay ni head coach Arturo Valenzona na naglaro sa FIBA U19 World Cup apat na dekada ang nakalilipas.

Sa pangunguna nina PBA legends Chito Loyza­ga, Hector Calma at Yoyoy Villamin, nagpasiklab noong 1979 U19 World Cupa ng Filipinas kontra sa 12 pinakamagagaling na youth teams sa buong mundo.

Kabilang roon ang kampeon na USA na giniyahan ng mga naging NBA legends na sina Sam Perkins, James Worthy at Fat Lever.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *