Thursday , May 15 2025

FIBA 3×3 Asia Super Quest, gaganapin sa Ph

FILIPINAS ang magiging tahanan ng kauna-unahang FIBA 3×3 Asia-Pacific Super Quest na nakatakda sa darating na Abril.

Katuwang ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, inianun­siyo ito ni Chooks-to-Go owner Ronald Mascariñas kamakala­wa ng gabi sa isang media launch ng makasaysayang torneo na tatawaging Chooks-to-Go 3×3 Asia-Pacific Super Quest. Nakuha ng bansa ang hosting rights ng naturang event matapos mapabilib ang FIBA sa pagdaraos ng Filipinas ng FIBA 3×3 World Cup noong nakara­ang taon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nakadagdag din sa pagka­mangha ng FIBA ang inilunsad na Chooks Pilipinas 3×3 league na kauna-unahang organisado at FIBA-registered na 3×3 league sa buong bansa.

“After last year’s success of the FIBA 3×3 World Cup organized by the SBP, the initiative of Chooks-to-Go to set up a tournament with inter­national teams from Asia-Pacific qualifying to the FIBA 3×3 World Tour is excellent news,” ani FIBA 3×3 managing director Alex Sanchez.

“This underpins the effort of Chooks-to-go in organizing dozens of local 3×3 events and will accelerate the development of 3×3 in Philippines. So, there is no reason why Philippines cannot have successful teams playing at World Tour, considering the depth of talent and love for the game in the country.”

Wala pang pinal na bilang pero inaasahan ng FIBA na hanggang sa 16 koponan ang sasali sa naturang torneo sa pangunguna ng reigning World Cup champion at top ranked 3×3 country ngayon na Serbia kasama ang no.1 3×3 player na si Dusan Bulut.

Bilang host country, mabibiyaan ang Filipinas ng dalawang team sa 16 koponan ng Super Quest na ang top three ay makapapasok sa FIBA 3×3 World Tour.

Isa ang Super Quest sa hakbang ng SBP at ng Chooks-to-Go na makalikom ng sapat na puntos upang makaabante sa 2020 Tokyo Olympics kung saan ang 3×3 ay magiging medal sporting event na sa unang pagkakataon sa kasaysayan.  

(JOHN BRYAN ULANDAY)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *