Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano, bentaha kay Lito

SA isang happening somewhere in Porac, Pampanga, nadinig namin ang usap-usapang nagbubunyi sila dahil sa balitang pang number three sa survey ang kababayang movie idol, Lito Lapid.

Parang hindi sila makapaniwalang number 3 ito sa survey among senatorial candidates.

Sa totoo lang, malaking tulong kay Lito ang paglabas niya sa action-serye ni Coco Martin, ang Ang Probinsyano kahit patakbo-takbo lang.

Bentahe ang one year na napapanood at malaking exposure ng dating senador. Hindi naman pewedeng isnabin si Lito dahil marami siyang bill na nagawa.

Malaking tulong din kay Lito ang mga action move niyang katulad ng yumaong FPJ.

 

Hiwalayang Mark at Winwyn, ‘di gimik

SANA naman hindi totoong gimik lang ang biglang paghihiwalay nina Mark Herras at Winwyn Marquez porket may pelikulang ipalalabas.

Matagal na kasing kumita ang ganitong gimik kaya nakahihiyang malaman kung gimik nga lang ba para mapag-usapan.

 

Arjo, lucky charm si Maine

MASUWERTE si Arjo Atayde. Lucky charm niya si Maine Mendoza. Dahil sa pagkaka-link nilang dalawa, pumabor kay Arjo dahil may movie itong ginagawa bukod sa teleserye.

May mga komento nga na baka tuluyang main-love si Maine kay Arjo. Baka lumipat ito sa Kapamilya dahil wala namang kontrata sa Kapuso.

Ano nga namang suwerte ang hihintayin ni Maine sa Kapuso kung hindi naman interesadong ikontrata ang dalaga?

 

Roger, balik-showbiz dahil kay Coco

SA tagal sa abroad hindi akalaing muling magbabalik si Roger Calvin, dating contract star ng Lea Production.

Kinuha siya ni Coco Martin para isama sa Ang Probinsyano. Kasama niya sina Daria Ramirez at Arlene Muhlach.

Hindi nga akalain ni Roger na makababalik-showbiz pa siya.

 

Galing ni Nora, kikilalanin ng Box Office Entertainment Awards

BIBIGYAN ng award ng Box Office Entertainment Awards ang nag-iisang superstar, Nora Aunor ng Lifetime Achievement Award dahil sa kanyang ika- 50 taon sa showbiz.

Bukod dito, extended pala ang serye niyang Onanay.

May tanong kung bakit bukod tanging ang National Artist award ang hindi maibigay kay Nora?

Ano ba ang kulang bakit hindi nila maipaliwanag?

Oo nga naman napakatagal ng hinihintay ng bayan ‘yan.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …