Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo Mortel, sobrang na-miss ang namayapang ina sa kanyang birthday celeb

SINORPRESA ng kanyang fans ang Kapamilya actor na si Marlo Mortel para sa kanyang post birthday celebration na ginanap kamakailan sa Icon Hotel.

Nagkaroon dito ng games, photo ops, mga pagbati/messages at nagpaunlak siyempre ng kanta si Marlo mula sa kanyang album na Serye. Pinasalamatan ni Marlo ang kanyang tagasuporta sa Marlo’s World sa pangunguna ni Eve Villanueva at mga admins nito. Ang ibang fans na nagpunta roon ay galing pa sa Nueva Ecija, Cavite, Bata­ngas, Laguna, at iba pang malalayong lugar. Kabilang din sa nakiisa sa naturang selebrasyon ang fans ng MarNella, kaya sobra ang pasa­salamat ni Marlo sa kanilang lahat.

Ano ang latest kay Marlo? “Ang latest ay sa album pa rin, ang aim namin ay mag-viral ang music video ko, ang title nito ay Habang Ako’y Mag-isa at kasama ko sa video si Claire Ruiz. Dati ko pa siyang nakasama sa Be Careful With My Heart at nakasama ko rin siya sa pag-guest namin sa MMK,” panimula niya.

Paano siya nagdiwang ng birthday? “Wala, sobra akong nag-relax lang talaga, kasi for the past five years ay lagi akong may work kapag birthday ko. As in, gabi ay may taping, tapos sa morning ay may Umagang Kay Ganda. Kaya gusto ko naman ay tahimik para makapag-relax. So, nagpunta kami sa Bali with friends.”

Ano ang pakiram­dam na first time siyang nag-celebrate ng birthday na wala na ang kanyang mother? “Sobrang ma­lung­kot, actually talagang mas malungkot… siguro after two months na lang ako umiyak, every­day. Halos every day din ay napapa­naginipan ko talaga siya, halos everyday.

“Kaya minsan ay umiiyak na lang ako, parang ganoon. Kasi habang tumatagal, lalo mong nararamdaman kung ano iyong kulang talaga. Lalo na at tatlo lang kami talaga at sa kanya kasi ako lumaki, dahil ang daddy ko ay nasa abroad kasi, e. So, roon ko lalong nare-realize na buong buhay ko pala ay kasama ko siya,” saad ni Marlo ukol sa kanyang mahal na ina.

Ano pa ang wish niya ngayong 2019? “Hindi naman kahit na natupad ay fulfilled na ako, siguro mas gusto kong maging successful kung ano man ‘yung mga upcoming… kunwari, album. Wala pa kasi roon sa success rate talaga e. Wala pa, kasi kalalabas pa lang. So, gusto kong ma-reach niya ‘yung level of success na deserve niya. Kasi, talagang pinaghirapan ko talaga iyan. Ta­la­gang sariling experiences ko ang mga ‘yan.”

Incidentally, ang Serye album ni Marlo ay may seven songs na lahat ay siya mismo ang nagsulat. Ito ay naglalaman ng personal experiences niya about love at bukod sa Habang Ako’y Mag-isa, kabilang sa mga kanta rito ang Sana Ikaw Na NgaUnang BesesPa’no Na AkoI’m Movin OnLisanin, at I Pray.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …