Monday , December 23 2024
shabu drugs dead

Dalawang tulak bumulagta sa buy-bust

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Kinilala ni Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte City police ang mga napatay na sina James Taruc at isang alyas Inad samantala nakatakas ang isa nilang kasama na si Jason Panti alyas Goryo.

Nabatid na ikinasa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng SJDM City police ang operasyon sa Skyline Road, Brgy. Sto Cristo sa naturang siyudad kahapon ng madaling araw.

Ngunit nakatunog ang mga suspek na undercover agent ang kanilang katransaksiyon kaya nagmadaling tumakas sa madamong bahagi ng lugar.

Dito ay pinagbabaril nila ang mga tumutugis na pulis na gumanti naman ng putok hanggang nagresulta sa kamatayan ng dalawang suspek samantala tuluyang nakatakas ang isa.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang kalibre 38 revolver at mga medium-sized na sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na dinala sa Bulacan PNP Crime Laboratory para sa kaukulang pagsusuri. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *