Monday , December 23 2024

Mga bilanggo, inirehistro ng Comelec; pabobotohin sa 2019 midterm elections

MALAWAKANG dayaan ang posibleng maga­nap sa eleksiyon na naka­takdang iraos ngayong Mayo sa sandaling ma­ka­boto ang mga bilanggo na nagawang irehistro ng Commission on Elections (Comelec).

Ating napag-ala­man, ang Comelec ay nagsadya sa City Jail ng mga lungsod sa Metro Manila para sapilitang itala ang mga preso noong nakaraang taon.

Ibig sabihin, pasok ang pangalan ng mga bi­lang­go sa listahan ng mga botanteng makaboboto sa nalalapit na midterm elections ngayong Mayo.

Ang dapat imbestigahan ay kung sino ang arkitekto sa likod ng malaking katarantadohan at nag-utos sa Comelec para irehistro ang mga bilanggo.

Hindi rin basta makapagsasagawa ng registration ang Comelec saanmang city jail nang walang pahintulot ng mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Wala raw nagawa ang mga bilanggo kung hindi sundin ang mahigpit na utos ng BJMP sa kanila.

Marami sa mga bilanggo na dati nang rehis­trado sa Comelec bilang botante ang nababahala at baka magkaroon ng masamang epekto laban sa kanila ang pangalawa at panibagong pagpa­parehistro.

Ang mga tumanggi umanong sumunod at sinabing aktibo pa silang botante ay tinakot na daranas ng pahirap kaya’t walang nagawa kung ‘di sundin ang utos sa kanila.

Isinagawa umano ng mga kawani ng Comelec ang computerized registration sa mismong city jail.

Ang hindi natin tiyak ay kung alam ng mga lokal na pamahalaan ang nabanggit na Comelec registration sa kanilang city jail.

Sa Muntinlupa City Jail ay magkasanib na naisagawa ng Comelec at BJMP ang matagumpay na registration noong Agosto 2018.

Pati ba registration ng “flying voters” ay raket na rin sa BJMP para kumita at makapagsipsip sa mga politiko na nasa likod ng highly anomalous registration?

Sino ang makikinabang sa boto ng mga inirehistrong bilanggo at para kaninong interes ito isinagawa ng Comelec?

Abangan!

 

LAOS NA ACTION STAR ‘JOWA’ NG LADY BoC EXEC

NAMAMAYAGPAG sa kanyang juicy post ang isang babaeng opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na pinapadrinohan ng kanyang “Macho Papa” na nakadikit sa isang makapangyarihang opisyal sa Malacañang.

Noong August 2017, sinibak ni dating commissioner at ngayo’y TESDA chief Isidro Lapeña sa puwesto ang nasabing opisyal na kasamang pinangalanan ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na tumatanggap ng “payola” sa smugglers na nagpapalusot sa major ports ng BoC.

Pero Enero 2018 ay kahanga-hangang nakabalik sa puwesto ang babaeng opisyal sa tulong ng isang walang career na dating action star na ang pinagkakakitaan ay humanap ng mapeperang matrona na kanyang mahuhuthutan.

Kaya naman walang makasawata sa pakiki­pagsabwatan ng corrupt na babaeng opisyal sa mga smuggler na nagpapalusot ng kontrabando sa major port ng Customs na kanyang nasasa­kupan.

At siyempre, kasamang nakikinabang ang manghuhuthot na matandang action star sa pinaggagagawang katiwalian ng pineperahang customs official na katakot-takot ang nakakamal na salapi mula sa mga kakontsabang smuggler na naghahatag sa kanya.

Ang matandang action star ay notorious ‘gigolo’ na ginawang hanapbuhay ang panga­ngabayo sa mga kliyenteng matrona kaya’t mula sa pagiging laos na action star ay nabansagan siyang “suction star” as in manghuhuthot, ng mga dating kasamahan sa showbiz.

Tawagin na lang natin ang babaeng opisyal sa pangalang “L.V.” as in Louis Vitton, habang ang “torero” ni­yang suction star na jowa ay tawa­gin naman nating si alyas ‘Boy Toro.’

Akala ko ba ay bawal na ang cor­rupt sa Customs, Commissioner Rey Leonardo Guer­rero?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *