Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Ogie Alcasid
Regine Velasquez Ogie Alcasid

Sekreto ng magandang relasyon nina Ogie at Regine, ibinahagi

INAMIN ni Ogie Alcasid, nang mag-guest ito sa Magandang Buhay na nagselos siya noon kay Robin Padilla na naging leading man ng kanyang asawang si Regine Velasquez sa ilang pelikula.

Nagsama ang dalawa sa Kailangan Ko’y Ikaw (2000) at Till I Met You (2006).

Ani Ogie, “nagtatago pa kami noon ni Regine, medyo secret pa ‘yung aming relasyon. Then nalaman ko nga na may pelikula nga sila ni Robin. Siyempre action star, matipuno. Siyempre medyo na-insecure lang ako.”

Dagdag pa ng actor, singer/songwriter, naging panatag lang ang kanyang kalooban dahil nalaman niya ang pagiging maginoo ni Robin sa kanyang mga leading lady.

Ako naman ‘yung pinakasalan kaya ayos na rin ‘yon,” ani Ogie.

Walong taon nang kasal sina Ogie at Regine at hindi na malaking isyu sa kanila ang pagseselos.

Noong araw I guess hindi nawawala sa relasyon ang selos, hindi ba? Pero ngayon sa katandaan namin kapag nagseselos ka pa medyo nakakahiya na, medyo may problema na ‘yon. So noong araw lang ‘yon,” sambit pa ng ngayoy’ producer na rin.

Sa Magandang Buhay, ibinahagi ni Ogie ang pagiging isang kaibigan, pagiging sensitive sa pangangailan ng asawa, at pang-unawa ang ilan sa mga bagay na hindi dapat makalimutan para mapanatili ang maayos na relasyon.

Sa nasabing programa, sa isang video message ipinaabot naman ni Regine ang paghanga sa asawa na aniya ay kanyang Mr. Right.

Ani Regine, “masuwerte akong asawa kasi napakabait ng asawa ko. He pays attention to me. It’s very important that you have someone who pays attention to you, to what you say, to how you feel. Kahit ‘yung mga moods ko, he pays attention kasi kapag hindi lagot siya. He’s a very loving, handsome. 

“We’ve been married for eight years pero hindi ko ramdam na eight years na pala kaming mag-asawa. Kasi parang everyday is exciting. Parang gusto ko malaman kung paano na naman niya ako patatawanin, kung paano niya ako aasarin. I always laugh and he would always make me laugh. I am very blessed to have such a funny, loving, patient, supportive and loving husband.”

Samantala, nagbabalik si Ogie sa pelikula at bilang movie producer sa Kuya Wes na malapit nang ipalabas.Kasama niya rito sina Ina Raymundo, Alex Medina, Moi Bien, Karen Gaerlan at iba pa. Sa direksiyon ni James Robin Mayo.

Produced ito ng A-Team, Awkward Penguin, at Spring Films.

Mapapanood din si Ogie sa Master of Love, a Valentine concert sa Resorts World Manila sa February 14. At dahil sa Master of Love, hindi mapapanood ni Ogie ang Valentine concert ng kanyang misis na si Regine.

(Joe Cezar)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …