NAGPAPASALAMAT si Direk Danni Ugali sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pagkilala sa pelikula niyang The Maid In London.
Kabilang ito sa 86 filmmakers, artists, at mga pelikula na nagbigay-dangal sa bansa noong 2018 sa kanilang pagkapanalo sa globally recognized film festivals.
Ano reaction niya na ang kanyang movie na The Maid In London ay kinilala at pinarangalan?
“Proud and honored hindi lang sa akin kundi para rin sa ibang filmmakers na napapansin at kinikilala ng FDCP,” saad ni Direk Danni.
Ano ang masasabi niya sa ginagawa ng FDCP, partikular si Chairperson Liza Diño sa pagtulong sa film industry?
“Maganda po ang mga programa ng mga taga-FDCP sa mga filmmakers at sana maibahagi sa lahat, hindi sa iilan lang para naman mas malawak ‘yung pagsuporta ng FDCP.”
Ano ang next project niya? ”Ang next project ko is The Night That Never Sleeps, na tentative title po and naka-line-up ‘yung Back Door and Secret Rooms,” aniya.
Ang Film Ambassadors’ Night ng FDCP ay taunang pagdiriwang na nagsisilbing gabi ng pasasalamat at pagtitipon ng award-winning filmmakers na nagbida sa buong mundo ng mga pelikulang may global potential.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio