Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arron Villaflor

Arron, willing mag-frontal; nanghinayang kay Angel

MAY gagawing digi-serye si Arron Villaflor, na mapapanood sa iWant TV, na ang title ay Sex and Coffee, mula sa Dreamscape Digital. Dahil Sex and Coffee ang title ng digi-sersye, tinanong namin si Arron kung magiging daring siya rito.

“Feeling ko naman, oo. From the title itself,” sagot ni Arron.

“I can’t wait for it (na masimulan na ang digi-serye), kasi ang ganda ng title,” natatawang sabi pa ni Arron.

Hanggang saan ba ang kaya niyang ipakita?

“Ano ba 28 na ako! Ready na ako sa ano (pagiging daring),” natatawang sagot ni Arron.

Kahit frontal nudity?

“If it’s a good story, why not,” natatawang sagot na naman ni Arron.

Pinanood ni Arron ang unang digi-serye ng Dreamscape Digital na Glorious, na pinagbidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca. Kaya niya ito pinanood, dahil crush niya si Angel.

“Sana nga ako na lang ang kinuhang partner doon ni Angel,” ang natatawa na namang sabi ni Arron.

Dagdag pa niya, “Sana maka-work ko siya.”

Bukod kay Angel, sino pa ba ang crush niya?

“Si Liza (Soberano) at si Maja (Salvador).”

Sa darating na Valentine’s Day sa February 14, ay walang ka-date si Arron, dahil wala siyang girlfriend ngayon.

“May work ako sa Valentine’s Day. Okey na rin ‘yun, na magtatrabaho na lang muna ako.”

Pero kahit single, may sex life pa rin ba siya?

Napaubo si Arron sa tanong namin, pero sinagot niya pa rin ito ng buong ningning. Sabi niya, may sex life pa rin siya.

“Siyempre naman, kailangan din natin ‘yun,” pag-amin pa niya.

Samantala, bukod sa digi-serye, may gagawin ding movie si Arron mula sa Black Sheep Production, na makakasama niya si Jodi Sta. Maria.

“It’s a horror film. I’ll be playing the role of a priest. Si Direk Ricky Davao ‘yung head priest ng church. The story is about possession. Si Jodi ‘yung mapo-possess ng masamang espiritu. Ako ‘yung magpapagaling sa kanya. Ang working title ay ‘Clarita.’”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …