Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

Andi, tinalakan ang basher

DINAKDAKAN ni Andi Eigenmann ang netizens na nangnenega sa kanyang ikalawang pagbubuntis courtesy of her boyfriend surfer, Philmar Alipayo.

At nang mag-post nga ito sa kanyang IG ng kanyang bump ay mix ang naging pagtanggap ng netizens. May ibang natuwa habang mayroon namang nanlait.

May nagsabing sana ay maging healthy ang second baby niya, habang mayroon namang nagsabing buntis na naman ito kahit hindi pa kasal at hindi na nga natuto.

Mabilis namang sinagot ito ni Andi ng, “You are in no place to tell me how i should lead my life. More so, tell me that i am ‘sayang’ because i am happily pregnant at 28 yo.

“I dont expect nor intend for everyone to be pleased by how I see life, but your negativity is very unnecessary and you may feel free to click unfollow.”

Sinagot naman uli siya ng netizen at sinabing tagahanga siya ng aktres. Sana ay magtagal pa ang relasyon ni Philmar.

Ayon naman kay Andi, “I called you out because its such a shame when women bring other women down. Not because I am angry.”

At sa tanong naman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis nito, “You needn’t be confused about not understanding the life of a person you absolutely do not know.”

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …