Monday , November 25 2024

3rd Film Ambassadors’ Night, pinangalanan ang 86 honorees

PAGKAKALOBAN ng parangal ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 86 filmmakers, artists, at mga pelikula na nagbigay-dangal sa bansa noong 2018 sa kanilang pagkapanalo sa globally recognized film festivals. Gaganapin ito sa 3rd Film Ambassadors’ Night sa February 10, 2019 sa SM Aura Premier Samsung Hall, Bonifacio Global City.

Ang Film Ambassadors’ Night ay taunang pagdiriwang na nagsisilbing gabi ng pasasalamat at pagtitipon ng award-winning filmmakers na nagbida sa buong mundo ng mga pelikulang may global potential. Ang SM Aura Premier Samsung Hall ang venue partner ngayong taon at sponsored ng Globe Telecom, Fullhouse Asia Production Studios, Inc., Fire and Ice Productions, HEA Watches, at Solar Entertainment Corporation.

Paparangalan ang mga pelikulang nanalo sa A-list international film festivals, gaya ng Nervous Translation ni Shireen Seno (NETPAC Award for Best Asian Feature Film sa 47th International Film Festival Rotterdam sa Netherlands at Best Screenwriter for Asian New Talent Category sa 21st Shanghai International Film Festival in China), Respeto ni Treb Monteras II (Centenary Award for the Best Debut Film of a Director sa International Film Festival of India sa Goa, India), at Alpha, The Right To Kill ni Brillante Mendoza (Special Jury Prize sa 66th San Sebastian International Film Festival sa San Sebastian, Spain).

Bukod dito, tatlong (3) katangi-tanging miyembro ng film community ang mag-uuwi ng Camera Obscura Artistic Excellence Award. Ito ang pinakamataas na karangalan na ibinibigay ng FDCP sa mga nagpamalas ng kanilang husay sa global film arena at nag-ambag ng mahalagang kontribusyon sa Philippine cinema. Papangalanan ng FDCP ang awardees sa lalong madaling panahon.

Ang ilan sa film ambassadors na paparangalan ngayong taon ay ang mga sumusunod para sa Full-Length feature Category: Actors: Allen Dizon (Bomba), Ian Venera¬cion (Ilawod), Andi Eigenmann (The Maid in London), Mary Joy Apostol (Birdshot), Angellie Sanoy (Bomba), Ryza Cenon (Mr. & Mrs. Cruz), Angeli Bayani (Bagahe), Dido de la Paz (Respeto), Odette Khan, (Echorsis), Carlos Dal, (1-2-3), Timothy Castillo (Neomanila), Christian Bables (Signal Rock).

Director: Sonny Calvento (Nabubulok), Mikhail Red (Neomanila), Carlo Obispo (1-2-3), Treb Monteras II (Respeto).

Full-Length: Area (Louie Ignacio), Sakaling Hindi Makarating (Ice Idanan), Bomba (Ralston Jover), Bhoy Intsik (Joel Lamangan), Die Beautiful (Jun Robles Lana),

Nabubulok (Sonny Calvento), Ang Panahon ng Halimaw (Lav Diaz), Gusto Kita with All My Hypothalamus (Dwein Baltazar), Bagahe (Zig Dulay).

Special Citation: Ms. Baby Go of BG Productions International, Piolo Pascual, Anne Curtis, at Direk Brillante Mendoza.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *