Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

4-anyos nene warat sa 22-anyos kapitbahay

MAAGANG napariwara ang buhay ng isang batang ba­bae na sa musmos na gu­lang ay walang awang gina­hasa ng hayok na kapit­bahay sa Pandi, Bulacan kahapon.

Kinilala ni Chief Insp. Avelino Protacio, hepe ng Pandi police, ang suspek na si Mark Jason Monilla, 22-anyos at residente sa Brgy. Cacarong, sa naturang bayan.

Nabatid sa ulat, ang biktima, isang 4-anyos nene, residente sa Sitio Bitukang Manok sa nabanggit na barangay ay naglalaro sa harap ng kanilang bahay nang tawagin ni Mark para papasukin sa loob ng bahay.

Sa loob ng ba­hay, biglang kinaladkad ng suspek ang bata sa loob ng banyo at doon ginahasa. Hustong nakaraos ang suspek nang tawagin ng ama ang bata kaya nag-panic at mabilis na pinalabas ng bahay ang biktima na noon ay iika-ika sa paglakad. Habang nagpa-palahaw ng iyak, isinalaysay ng bata sa ama ang gina-wang sa kanya ng suspek sa loob ng banyo.

Agad humingi ng ayuda ang ama sa mga barangay tanod ng Brgy. Cacarong Matanda na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mark saka nila isinuko sa Pandi police.Kasalukuyang ma­kapiit ang suspek sa Pandi municipal jail habang iniha­handa ang kasong paglabag sa RA 8353 na may kaug­nayan sa RA 7610.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …