BILIB kami kay Bailey May, iyong dating sumali sa PBB na ngayon ay member na ng Now United, isang international singing group na binubuo ng 14 artists mula sa 14 ding bansa.
Kung nasaan man siya, nag-post siya ng isang picture ng katedral ng Jolo bago iyon pinasabugan ng bomba at ang mensahe niya ay “pray for Jolo”. Kung sa bagay, hindi naman kataka-taka dahil si Bailey May ay may dugong Pinoy pa rin. Cebuano siya.
Pero kung iisipin ninyo, ilang artista ang naririto lang at parang wala silang pakialam kung ano mang simbahan ang bombahin, dahil wala naman sila roon at wala rin naman silang kaanak na namatay o nasaktan sa pagsabog.
Bilib kami kay Bailey May.
HATAWAN
ni Ed de Leon